Duterte, excited nang bumalik sa pagiging ordinaryong mamamayan: Sen. Bong Go

Pagkatapos ko mag-file ng Certificate of Candidacy at pagkatapos rin mag-announce si PRRD ng kanyang planong mag-retire na sa pulitika after his term, nagyaya siya na dumaan muna nang saglit sa mall na matagal na niyang hindi napupuntahan bago umuwi.

Kita naman kahit sa picture na nasa telepono pa rin ako at nagtatrabaho pa rin. May mga iilan ring lumapit para magpa-picture sa kanya at in-entertain rin naman niya.

Mabilis lang kami dun at wala rin kaming binili bukod sa cookies dahil gusto lang talaga ni Pangulo na mag-ikot at maglakad-lakad. Ilang buwan na rin siyang hindi nakakalabas, nakakulong at puro trabaho.

Pati ba naman ‘yung pagpunta niya ng mall, gagawan pa ng malisya. Karapatan naman ng sinuman iyon.

Sabi nga ng Pangulo, konti na lang at matatapos na ang kanyang termino. Makakapahinga na daw siya. He is excited to return to being an ordinary citizen after decades in public service. (Statement from office of Sen. Bong Go) -rir

Popular

‘Danas’ becomes a typhoon, may re-enter PAR by Sunday night

By Dean Aubrey Caratiquet The Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) issued an advisory at 11:00 a.m. this Sunday, July 6, noting the...

Sharp decline in June 2025 food inflation, proof that gov’t interventions work — DEPDev

By Brian Campued The Marcos administration’s whole-of-government approach to “boost local production, improve logistics, and implement calibrated trade and biosecurity measures” have helped tame food...

TD Bising intensifies; Wind Signal No. 1 up in extreme Northern Luzon

By Brian Campued Tropical Depression Bising slightly intensified over the sea west of extreme Northern Luzon, the state weather bureau said Friday. In its 11:00 a.m....

WALANG PASOK: Class suspensions for July 4 due to heavy rains

Classes in the following areas have been suspended on Friday, July 4, due to the impact of the southwest monsoon (habagat) and the...