“Ito ay pinaparusahan ang mga taong hindi nagbibigay ng tama o equal na pagtingin sa kanila [LGBTQ community], sa mga opisina, sa eskwelahan, sa ospital kung hindi sila tatanggapin, sa mga housing, dormitoryo kung iddeny access to them at lalong lalo na sa mga kapulisan kung ihaharass ang mga nahuhuling mga member ng LGBT.”
Ilan lamang ito sa mga panukala ng SOGIE Equality Act na ayon kay Atty. Alice Risos-Vidal, Presidente ng Women Lawyers Association of the Philippines.
PANOORIN ANG PANAYAM NG BAGONG PILIPINAS:
197-0 ang sumangayon sa pagboto matapos ang emosyonal na pahayag ni Bataan 1st District Representative Geraldine Roman sa kanyang mga kasamahan sa kongreso patungkol sa pagsuporta ng naturang anti-discrimination bill.
Dagdag pa ni Vidal, ayon sa unang probisyon, kailangang respetuhin ang karapatang pantao ng isang LGBTQ tulad na lamang ng natatamo ng isang indibidwal.
“Irespeto ang karapatan kasi ang nasa constitution may equal protection tayo, irespeto ang human rights ng kahit na anong sexual orientation, kung ano ang pagtingin mo, kung ano ang iyong gusto at sabi ng ang sexual orientation ay sabi sa batas ay kung nagmamahal ka sa kapareho mong sex ay irespeto ito. At gender identity kung ikaw ang isang lalaki na ang gusto mo ay magpakababae, ay irespeto rin at ganon rin naman sa lahat ng iba pang antas ng mga pagtingin.”
Para sa mga indibidwal na lalabag ay magmumulta ng hindi bababa P100,000 ngunit hindi lalagpas sa P500,000 o makukulong ng hindi bababa sa isang taon ngunit hindi rin lalagpas ng anim na taon.