Father-daughter tandem wagi sa Bombo Bhumi Cup tournament

Nagpamalas ng kagila-gilalas na pagganap ang father-and-daughter tandem na karatekas na sina Shihan Denisu “Dee” Aquino at Senpai Ichi Ann Denniece Aquino para makamit ang magkahiwalay na medalya’t tagumpay sa nakalipas na 23rd Bombo Bhumi Cup International Karate (Online-Offline) Tournament nitong Enero 16 sa Kolkata, India.

Sumungkit ng medalya ang mag-ama sa kani-kanilang kategorya matapos sumipa ng gold medal performance ang 20-anyos na si Ichi sa Female Senior 18 years and above class, habang pumangalawa para sa silver medal si Dee sa Veterans Division 35 years and above division.

Dinomina ng five-time International E Tournament at National champion Lady Karateka ang kanyang dibisyon nang umukit ito ng 25.67 na puntos upang higitan ang mga katunggali mula Uzbekistan at South Africa.

Dahil sa panalong ito ay naidagdag sa listahan ng mga napanalunang mga titulo sa WUMF Karate World Cup sa London, WKA World Online Katas sa Iran, ISSKA International Virtual sa Sri Lanka, 2021 FESSAP National University Karate E-Kata, at silver medalists sa SCUAA-Strasuc EKata.

Bahagyang kinapos lamang sa 0.1 na puntos ang Shitoryu Karate ng Pilipinas karate master na si Dee sa 25.32, sa likod ng karateka mula Sweden na may 25.33 iskor, habang nakakuha naman ng bronze medal ang Moroccan karateka ng 24.05.

“It is a Great honor that even though it’s pandemic, we still have a chance to join in the prestigious tournament and deliver accomplishments for our country,” pahayag ni Dee Aquino hinggil sa tornerong nilahukan ng aabot sa 629 mula sa 12 bansa na kinabibilangan ng host country India, Sweden, Morocco, Uzbekistan, South Africa, Iran, Sri Lanka, Nepal, Bangladesh, Indonesia at iba pa.

“We will continue to practice and compete in different E-Tournament, this is one way of developing our techniques and skills, and also to achieve our goal as inspiration for our Youth,” dagdag niya.

Patuloy sa pagpapalakas at pagpapalaki ng kanilang samahan ang Philippine Karate League, na nasa ilalim ng mother federation na Karate Pilipinas Sports Federation Inc. na pinamumunuan ni Sensei Richard Lim. Ikinakasa na rin ng PKL na mamayagpag sa international karate competitions tulad ng World Female karate E-Tournament sa susunod na buwan na inorganisa ng Malaysia.

Naghahanda na rin ang PKL, na may mga miyembro ng national training pool, para sa ika-28th anniversary sa darating na Hunyo 4, kung saan nagpaplano rin silang magsagawa ng aktuwal na torneo ngayong taon bilang preparasyon sa World Shitoryu Karate Tournament sa Indonesia at World Gojuryu Karate Championship sa Italy.

“We would like to take this opportunity to acknowledge all our supporters, members and officials for their continued support. The trust and confidence to our League, the PKL which we are going to celebrate our 28th Founding Anniversary, which we have to recognize our Members to our Kalipunan ng mga Bagani-A PKL awards night.” (PR)

-ag

Popular

PBBM decries ‘gangster attitude’ over road rage incidents

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday denounced what he described as a growing culture of aggression...

Palace hails PH humanitarian team for Myanmar quake response

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency Malacañang commended members of the Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PIAHC) who returned Sunday evening from a mission...

AFP welcomes ‘West PH Sea’ inclusion on Google Maps

By Brian Campued The inclusion of the West Philippine Sea (WPS) on Google Maps further asserts the country’s internationally recognized sovereign rights over its maritime...

PDEA: Gov’t operatives seize P6.9-B illegal drugs in Q1 2025

By Christopher Lloyd Caliwan | Philippine News Agency The Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) said Friday law enforcers confiscated P6.9 billion worth of illegal drugs...