Fernandez kuntento sa podium finish ng mga atletang Pinoy sa SEA Games

By Myris Lee

Kasing init ng panahon sa Pilipinas ang laban ngayon sa ika-31 Southeast Asian (SEA) Games na ginaganap sa Hanoi, Vietnam dahil Tila walang naganap na restrictions at break sa kanilang training ang mga kalahok dahil sa husay at hasang-hasang galing na ipinapakita ng bawat atletang Pilipino.

Sa panayam kay Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez sa Laging Handa briefing noong Sabado, May 14, hindi aniya naging hadlang ang COVID-19 pandemic sa paghahanda ng mga atleta dahil sa kaliwa’t kanang bubble training na isinagawa ng PSC sa iba’t ibang panig ng bansa.

“Well, ever since last year when they were preparing for these games ay nagti-training na rin sila sa atin ‘no, bagong setup nga lang ‘no. Well, they were all over Metro Manila, Baguio, Samar, in the provinces ‘no so nag-bubble training din sila kaya ready naman ang mga atleta natin,” ani Fernandez.

“I am pretty sure that the other Southeast Asian countries’ athletes also encountered the same challenges ‘no. So palagay ko pantay-pantay lang tayo as far as preparation is concerned. In fact, the other countries, mas malala iyong cases nila kaysa sa atin ‘no,” dagdag niya.

Inaasahan ni Fernandez na sa natitirang mahigit isang linggo ng biennial event ay hahakot pa ng medalya ang basa, ngunit aniya mahirap muling makahari sa overall rankings kung kaya naman podium finish lang ay sa sapat na para sa El Presidente.

“Actually, I am expecting sa lahat ng sports na lalaruin pa, makakasungkit tayo ng mga gold medals ‘no. To name a few is of course basketball ‘no, iyong karate, taekwondo, gymnastics marami pa ‘yan ‘no, hopefully sa swimming and athletics ‘no, and shooting. At karamihan pa na sports, marami pa tayong inaasahan na makukuha natin,” saad ni Fernandez.

“Lamang talaga ang host country because sila ang namimili ng sports, kung ano ang lalaruin. Just like in 2019, tayo ang namili ‘no. Typical example is wala silang arnis dito, ‘no, where we gathered about 16 gold medals and several silvers and bronzes ‘no at iba pa, marami pa – Vovinam, martial arts [unclear], iyon ang sports nila ‘no. So initially ang thinking ko was, we will try to shoot for the top three—we should be in the top three position ‘no – that’s more achievable I believe ‘no,” dagdag ni Fernandez.

Samantala ayon kay Fernandez base sa  National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, ang mga gold medalist ay makakatanggap ng tig P300,000, ang silver medalist naman ay magkakaroon ng P150,000, habang para sa bronze medalist naman ay mabibigyan ng P60,000. – gb

 

Popular

‘Handog ng Pangulo’: PBBM brings aid, gov’t services to IPs in Zamboanga City

By Brian Campued “Nandito kami.” In line with the administration’s broader effort to ensure that no community is left behind in the “Bagong Pilipinas,” President Ferdinand...

PBBM lauds new San Lazaro Residences in Manila City

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Thursday commended the Manila City government for its in-city vertical housing project that will benefit healthcare...

PBBM to Zaldy Co: I do not negotiate with criminals

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Wednesday declared that he does not “negotiate with criminals” after the camp of former Ako Bicol...

Palace dispels VP Sara remarks on plan to oust PBBM

By Dean Aubrey Caratiquet “It is not acceptable for a Vice President to anticipate the resignation of the President.” Amid uncertainty arising from controversies that plague...