GAB, pinarangalan muli ng WBC bilang ‘Commission of the Year’

Sa ikalawang pagkakataon, itinanghal na Commission of the Year ng World Boxing Council (WBC) ang Games and Amusements Board (GAB) sa ginanap na 59th Convention ng pamoso at pinakamalaking boxing association sa mundo nitong Miyerkules (Nob. 17) sa Mexico City.

Sa harap ng mga opisyal at miyembro ng WBC, sa pangunguna ni president Mauricio Sulaiman, muling kinilala ang mga programa at inisyatibo ng GAB para maiangat ang katayuan ng Filipino boxers sa international community at maitaguyod ang kanilang seguridad at kabuhayan habang patuloy na lumalaban hanggang sa pagreretiro.

“This recognition is a fitting farewell and lasting legacy of President Rodrigo Duterte and the current GAB Board,” pahayag ni Mitra sa kanyang acceptance speech na sinalubong ng dumadagundong na palakpakan mula sa mga opisyal at kinatawan ng may 161 miyembrong bansa.

Ito ang ikalawang Commission of the Year award ng GAB sa ilalim ng pangangasiwa ng dating Palawan Governor at Congressman. Isang taon matapos hirangin ng Pangulong Duterte sa posisyon, natanggap ng GAB ang parangal noong 2017 bunsod nang inilunsad na libreng medical, dental at CT scan sa mga boxers at combat sports practitioner.

Ang naturang programa ay ginamit mismo ng WBC bilang “blueprint” para sa mga miyembrong bansa.

Sa naturang pagpupulong, pinapurihan ng WBC ang programa ng GAB para sa pagkakaloob ng tulong pinansiyal sa mga retiradong boxers, maayos na pangangasiwa sa ‘bubble’ set up bilang paglaban sa COVID-19 pandemic, pagsasagawa ng sports summit,  gayundin ang pagbili ng hematoma scanner para sa maagang deteksyon sa posibleng head injury ng mga fighters.

Pinasalamatan naman ni Mitra ang WBC sa pagbibigay parangal at pagkilala sa mga programa ng GAB.

“Nagpapasalamat po tayo sa WBC at talagang kinikila nila ang ating mga ginagawa sa GAB. Para po ito sa ating mga boxers. Ang parangal pong ito ay kontribusyon natin sa pagnanais ng pamahalaan na maitaas ang katayuan ng Pinoy boxers sa international community,” sambit ni Mitra sa facebook message.

Hindi lamang si Sulaiman, bagkus ang lahat ng dumalo sa pagtitipon ang napahanga nang iprisinta ni Mitra ang mga aktibidad ng GAB, sa kabila ng restriktong pagkilos bunsod ng COVID-19 pandemic.

“GAB is ahead of the game,” naibulalas ni Dr. Paul Wallace, head ng WBC at California State Athletic Commission Medical.

“This new initiative of GAB to get brain scanners ahead of everyone is a trail blazing move and first in the history of world boxing,” sambit naman ni Sulaiman.  (PR) – bny

 

Popular

PH now ‘future-ready’ for digital realm with launch of 1st AI-driven data hub — PBBM

By Brian Campued Advancing the vision of a smarter and more digitally connected “Bagong Pilipinas,” President Ferdinand R. Marcos Jr. led the launch of the...

4 iconic Filipino figures to get Presidential award

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. will posthumously confer the Presidential Medal of Merit on four iconic Filipino...

PBBM, First Lady to attend Pope Francis’ funeral

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. and First Lady Liza Araneta-Marcos will be attending the funeral of Pope...

PBBM, Japan PM Ishiba to meet April 29

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. is set to meet Japanese Prime Minister Ishiba Shigeru at Malacañan Palace on April 29, the Presidential...