Iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paninindigan ng Pilipinas sa 2016 Arbitral Award at binigyang-diin na patuloy na ipagtatanggol ng pamahalaan ang mga karapatan ng bansa sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng mapayapa at legal na paraan.
Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na halos 3 milyong Pilipino na ang walang binayaran sa kanilang pagpapaospital sa tulong ng Zero-Balance Billing ng DOH simula noong nakaraang SONA.
Sa ilalim ng Yaman ng Kalusugan (YAKAP) Program, umabot na sa 4.5 milyong Pilipino ang nakapagpa-check-up ngayong taon habang mahigit 300,000 naman ang nakakuha ng gamot mula sa 2,000 accredited providers sa ilalim ng GAMOT Program, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng “social protection floor” policy ng administrasyon na layong tiyakin na natutulungang mga Pilipino, lalo na sa oras ng pangangailangan.
Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sa 200 proyektong nakatuon sa paghahatid ng kuryente sa bansa, 45 sa mga ito ang natapos na; 31 ang nakatakdang matapos ngayong taon; at 124 naman ang inaasahang matatapos hanggang sa 2028.
Tiniyak ni PBBM na patuloy pa rin ang suporta ng pamahalaan sa repormang agraryo, tulad ng irigasyon, mga daan, makinarya, at mga pautang para sa mga benepisyaryong magsasaka.
Patuloy na pinatatatag ng pamahalaan ang sektor ng lokal na agrikultura para matiyak ang seguridad sa supply at mapababa ang presyo ng pagkain sa bansa.
Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng wastong pagtatapon ng basura kasabay ng patuloy na pagsasagawa ng #OplanKontraBaha upang matugunan ang problema ng baha sa bansa.
Bilang bahagi ng pagpapalakas ng disaster response ng administrasyon, inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapatayo ng “Ligtas Pinoy Centers” sa mga lugar na madalas tamaan ng hagupit ng panahon, tulad sa Bicol Region, Eastern Samar, Bukidnon, at Davao de Oro.
Pinagtutuunan ng administrasyong Marcos Jr. ang pagpapaganda at pagpapalawak ng sektor ng transportasyon sa bansa, katulad ng tren, busways, transport hubs at ingtegrated terminals, paliparan, pantalan, gayundin ang paghikayat ng paggamit ng electric at hybrid vehicles.
Sa kabila ng mga kalamidad na pinagdaraanan ng bansa kada taon, binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi lang minsanan ang paghahatid ng tulong ng pamahalaan—bagkus ito’y magpapatuloy hanggang sa muling makabangon ang mga komunidad na naapektuhan.
Bukod sa patuloy na pagtulong sa mga mahihirap na Pilipino, binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi pababayaan ng adminitrasyon ang paglingap sa mga kababayan nating nasa middle-class.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., naglaan ang pamahalaan ng mahigit P60 bilyong pondo para sa mga programang nakatuon sa pagbangon ng bansa mula sa epekto ng krisis sa Gitnang Silangan hanggang sa katapusan ng taon.
Kaugnay ng epekto ng krisis sa Gitnang Silangan sa sektor ng transportasyon sa bansa, ibinahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga proyekto ng pamahalaan para matulungan ang mga tsuper at pasahero.
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang patuloy na pagsuporta ng pamahalaan sa mga Pilipino sa pamamagitan ng "Benteng Bigas Meron Na" program gayundin ang paghahatid ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda.
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang patuloy na pagsuporta ng pamahalaan sa mga Pilipino sa pamamagitan ng "Benteng Bigas Meron Na" program gayundin ang paghahatid ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda.
Kasunod ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa bunsod ng krisis sa Gitnang Silangan, agad ding nakipag-ugnayan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa iba’t ibang mga bansa para matiyak ang supply ng langis sa Pilipinas.
Simula nang pumutok ang giyera sa Gitnang Silangan, agad na kumilos ang pamahalaan para tiyakin ang kaligtasan ng mga kababayan nating overseas Filipino workers (OFWs).
Walang patid ang suporta at mga hakbang ng administrasyon sa mga Pilipino simula nang tumama sa bansa ang epekto ng giyera sa Gitnang Silangan.
Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng partisipasyon ng taumbayan sa mahigpit na pagbabantay sa pondo ng bayan, lalong-lalo na sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Makalipas ang isang taon mula noong iutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects, ibinahagi ng Pangulo ang patuloy na pagpapanagot sa mga opisyal at kontratistang sangkot sa katiwalian.
Iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapapanagot ang lahat ng sangkot maging ang dating House Speaker na si Rep. Martin Romualdez.
Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang patuloy na pagbebenta ng P20/kg na bigas ng gobyerno.
Mahigit P60 bilyon ang inilaang pondo ng administrasyon hanggang sa katapusan ng 2026 para sa mga programang magpapagaan sa epekto ng labis na pagsirit ng gasolina.