By Carmel Matus | Radyo Pilipinas Cebu
Aabot na sa mahigit 500 mga paaralan sa Central Visayas ang nagsagawa ng limited face-to-face classes.
Ayon kay Salustiano Jimenez, ang regional director ng Department of Education Region 7 (DepEd-7), kahapon muli naibalik ang limited face-to-face classes sa 108 na mga paaralan sa Cebu at 20 sa lungsod ng Bais sa lalawigan ng Negros Oriental.
Karamihan sa mga ito ay mga pampublikong mga paaralan at nasa 15 naman ang mga pribadong paaralan.
Patuloy ang pagsasagawa ng DepEd-7 ng validation at inspeksiyon sa mga paaralan na ito at nakita naman nila ang kahandaan ng mga ito sa pagsasagawa muli ng physical classes.
Inaasahan na mas tataas pa ang bilang ng mga paaralan sa rehiyon na magbabalik na sa kanilang face-to-face classes base na rin sa dami ng aplikasyon na kanilang natanggap.
Base sa datos ng DepEd-7, nasa 300 na ang nagpapatupad ng limited face-to-face classes sa lalawigan ng Cebu at nasa 180 naman sa lalawigan ng Negros Oriental. (Radyo Pilipinas)
-ag