Housing assistance at financial aid sa mga naapektuhan ng bagyong Odette sa Dinagat Islands, pinamamadali ni PRRD

By Racquel Bayan | Radyo Pilipinas

Nagpapatuloy ang pag-iikot at pag-inspeksiyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette.

Sa pagbisita ng Pangulo sa Dinagat Islands, inatasan niya ang National Housing Authority (NHA) na maglaan ng P100 milyong housing assistance para sa mga biktima ng bagyo na napinsala ang mga tahanan.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson Sec. Karlo Nograles, inatasan rin ng Pangulo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magpaabot ng tulong pinansiyal sa mga residente sa lugar, bukod pa sa food packs na ipinamamahagi ng tanggapan.

“The Department of the Interior and Local Government will monitor and supervise the distribution of the aforesaid financial assistance,” ani  Nograles.

Sa pakikipag-usap ni Pangulong Duterte sa mga evacuee at local officials sa lugar, tiniyak niya na minamadali na ng lahat ng tanggapan ng pamahalaan ang clearing operations sa mga kalsada, at pagpapaabot ng suporta upang mapabilis rin ang konstruksiyon ng tahanan ng mga ito.

Samantala, ngayong hapon naman ay nag-iikot ang Pangulo sa Palawan at Cebu upang personal na alamin ang sitwasyon sa mga lugar na ito. (Radyo Pilipinas) – jlo

Popular

Gov’t vows to stabilize prices as inflation holds steady in October

By Brian Campued The administration of President Ferdinand R. Marcos Jr. continues to pursue long-term reforms not just to stabilize commodity prices but also to...

D.A. expects palay farmgate prices to rise as PBBM extends rice import ban

By Brian Campued The Department of Agriculture (D.A.) expressed hope that the extension of the rice import ban would continue to raise farmgate prices of...

Palace won’t interfere with HOR Dolomite Beach probe, warns against politicking

By Dean Aubrey Caratiquet Citing an upcoming probe on Manila Bay’s Dolomite Beach to be held by the House of Representatives on November 17, the...

PBBM orders early release of 2025 year-end bonus, cash gift for gov’t workers

By Brian Campued Government workers are set to receive their 2025 year-end bonus that is equivalent to one month's basic salary as well as a...