Ilang lalawigan wala pa ring suplay ng kuryente dahil sa pananalasa ng bagyong Odette

By Rey Ferrer | Radyo Pilipinas

Nananatili pa ring walang suplay ng kuryente ang ilang lalawigan sa Visayas at Mindanao dahil sa pananalasa ni bagyong Odette.

Sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), hindi pa rin available ang mga transmission line facilities na nag susuplay ng kuryente sa buong Northern Samar, Samar, Southern Samar, Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Biliran at Bohol.

Ilang lalawigan naman ang partially nagkaroon na ng suplay ng kuryente, kabilang ang Antique, Iloilo, Negros Oriental at Cebu.

Sa bahagi ng Mindanao, bagsak pa rin ang suplay ng kuryente sa buong Surigao del Norte.

Habang bahagya nang naibalik ang suplay ng elektrisidad sa Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental, Misamis Oriental at Lanao del Norte.

Ayon sa NGCP, may 28 pang 138kV lines ang hindi pa available hanggang ngayon kabilang ang 350kV HVDC Line at pitong 230kV lines na bagsak pa rin ang operasyon. – bny

Popular

PBBM reaffirms PH commitment to international law in fostering regional peace

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Wednesday cautioned against calling all competing maritime disputes on the South China Sea equal, as he...

PBBM pushes for PH trade pact with India

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Wednesday said the government is “ready to act” and will work closely with its Indian business...

PBBM addresses criticisms, assures sufficient funds for gov’t agendas in his podcast

By Dean Aubrey Caratiquet In episode 2, part 3 of the BBM Podcast, which aired on Wednesday, President Ferdinand R. Marcos Jr. refuted criticisms levied...

PH, India eye deeper health collaboration

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Tuesday met with Bharatiya Janata Party (BJP) Chair and Indian Health...