By Christine Fabro
Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang Davao Occidental nitong Linggo (Mayo 23) sa ganap na 10:02 n.u.
Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang pagyanig ay may lalim na 113 kilometro sa dakong 04.88N, 127.50E – 235 km S 61° E sa Jose Abad Santos, Davao Occidental sa Mindanao.
Naramdaman din ang Intensity I na lindol sa Kiamba, Sarangani.
Niyanig din ng magnitude 5 na lindol ang Zambales ngayong araw sa ganap na 12:41 n.h.
May lalim itong 14.77°N, 119.26°E – 092 km S 77° W na nakasentro sa San Antonio sa Zambales.
Naramdaman ang intensity II ng lindol sa San Antonio, San Narciso, at San Felipe sa Zambales.
Umaabot din sa Quezon City ang pagyanig na may Intensity I at naitala ang Instrumental Intensity I sa Marikina City at Olongapo City.
Samantala, nasa magnitude 1.8 naman ang pagyanig na naramdaman sa General Luna sa Surigao Del Norte.
Wala namang naidulot na pinsala ang mga pagyanig, ngunit inaasahan pa rin ang mga aftershocks sa mga nabanggit at karatig nitong mga lugar. –jlo