Imbestigasyon sa pagpatay sa 17-anyos sa Caloocan, sinimulan na

Sinimulan na ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-iimbestiga sa pagkamatay ng isang 17-anyos matapos ‘manlaban’ umano ito sa isinagawang operasyon ng pambansang pulisya sa Caloocan noong nakaraang linggo.

Ayon sa ama ng biktima na si Saldy Delos Santos, nagtungo na ang mga tauhan ng NBI sa kanilang tahanan at sa pinangyarihan ng krimen upang makapangalap ng kaukulang ebidensya at makausap na rin ang mga residenteng malapit sa pinangyarihan ng insidente.

Samantala, sa hiwalay na operasyon ng Caloocan Police, nadakip at kasalukuyang hawak na ng Pulisya ang  tulak na umano’y nakatransakyon ni delos Santos na si Renato “Nonong” Loveras.

Saad ni Loveras, dalawa hanggang tatlong beses niyang nakatransaksyon si delos Santos at mismong ang binatilyo ang nag-abot sa kaniya ng shabu galing sa isang nagngangalang Neneng Escupin.

Sinabi naman ng hepe ng Caloocan City Police na si Senior Superintendent Chito Bersaluna na wala si delos Santos sa drug watch list, ngunit dahil sa pahayag ni Loveras ay napabilang sa drug runner ang binatilyo.

Matatandaan noong ika-16 ng Agosto, nagsagawa ng ‘One-time, Big-time’ operation ang mga kawani ng Caloocan City Police kung saan napaslang ang estudyanteng si Kian Loyd Delos Santos matapos makipagbarilan umano ito sa mga pulis.

Hindi naman kumbinsido ang mga kaanak ni Kian na may baril ang binata matapos nilang mapanuod ang kuha ng CCTV ng barangay hall ilang metro ang layo sa lugar na pinangyarihan ng barilan. Dagdag pa ang mga lumitaw na testigo kung saan nakita umano ang nangyaring pagpaslang kay Delos Santos.

Sa kabilang banda, nagpahayag naman nang pagsuporta ang Department of Education (DepEd) sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat manaig ang ‘rule of law’ at panagutin ang sinumang responsable sa pagkamatay ng Senior High School student na si Kian. | Angelica Bobiles – PTV

 

PANOORIN ANG FULL REPORT NG PTV:

 


Popular

85% of Filipinos express distrust in China—OCTA survey

By Dean Aubrey Caratiquet Majority of Filipinos across socio-economic classes and across the archipelago declared sentiments of disapproval against China on multiple facets, according to...

PH, Australia to seal defense cooperation pact in 2026

By Priam Nepomuceno | Philippine News Agency The Philippines and Australia on Friday signed a statement of intent to pursue a Defense Cooperation Agreement that...

Iconic ‘70s ‘Love Bus’ returns in Metro Cebu, Davao City

By Brian Campued The nostalgia is strong in the air as the iconic “Love Bus” from the 1970s is finally revived and now plies the...

Gov’t ramps up interventions for Tropical Depression ‘Isang’

By Brian Campued The National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) raised the blue alert status on Friday to monitor the possible effects of...