Impeachment complaint laban kay Leonen, nasa justice committee na

Ipinasa na sa House justice committee ang impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ngayong araw, Mayo 18.

Ginawa ang referral kaninang hapon sa sesyon ng plenaryo ng Kamara.

Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, ang bola ay nasa kumite, sa pangunguna ni Chairperson Rep. Vicente Ching Veloso III. Naniniwala si Romualdez na magiging patas ang mga miyembro ng kumite sa paghawak ng kaso ni Leonen.

Pinaliwanag naman ni Rep. Alfredo Garbin, vice chairperson ng kumite, ang magiging takbo ng proseso.

“‘Yung committee on justice naman will determine whether it is sufficient in form and substance. [It] has within three session days to conduct or call for a hearing on the determination whether it is sufficient in form. If] it is sufficient in form, ihe-hearing naman sa substance,” aniya.

“Since it is our duty and responsibility under the rules upon due referral to determine its sufficiency in form and in substance, talagang dapat  mag-hearing ‘yung committee on justice,” dagdag ni Garbin.

Ipaliwanag ng mambabatas na malayo pa bago kailangang ipatawag si Leonen para magpaliwanag. 

“If ever there is a determination both in form and in substance and these are all sufficient, saka pa lang papasagutin si [Associate] Justice Leonen, and will be given 10 days to file his answer,” sabi ni Garbin.

 Ang impeachment complaint ay ipinasa ni Filipino League of Advocates For Good Government (FLAGG) Secretary General Edwin Cordevilla noong Disyembre ng nakaraang taon. Ito ay inendorso ni locos Norte Rep. Angelo Barba.

Sa reklamo ni Cordevilla, si Leonen ay inaakusahan ng paglabag sa Konstitusyon at betrayal of public trust. 

Ito’y dahil sa di umano’y pagkabigong kumpletuhin ang hindi bababa sa 37 kaso sa loob ng 24 buwan. Aniya, ito raw ay paglabag sa mandato na pabilisin ang pag-usad ng mga nakabinbing kaso sa korte.

May 60 araw ang plenaryo upang para magpasa ng ulat at resolusyon ukol sa reklamo. – Ulat ni Daniel Manalastas/AG-jlo

Popular

PBBM turns over millions worth of agri support to MisOr farmers

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Tuesday turned over various agricultural support projects to farmers in Misamis...

Balingoan Port expansion to boost regional tourism, trade — PBBM

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Tuesday highlighted the importance of upgrading the Balingoan Port in the growth of Northern Mindanao, noting...

PBBM renews call for stronger mechanisms, regulation against fake news

By Dean Aubrey Caratiquet In cognition of rapid advancements in digital technology, President Ferdinand R. Marcos Jr. urged the Department of Information and Communications Technology...

PBBM declares April 22 as nat’l day of mourning for ‘Superstar’ Nora Aunor

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. has declared Tuesday as a “Day of National Mourning” over the passing of National Artist for Film...