Ang pamahalaan ng Alfonso sa Cavite ay hinihikayat ang mga business establishments gaya ng mga hotel at restaurant na magbigay ng diskwento o insentibo sa kanilang mga customer na nabigyan na ng bakuna.
Layunin ng pamahalaan ng Alfonso na makatulong sa pagbawi ng ekonomiya at turismo ng bayan, lalo na at maraming negosyo ang lumiit ang kita dahil sa pandemya.
Samantala, nakasaad sa Executive Order No. 46 S. 2021 na inilabas kahapon (Hunyo 18) na hindi sapilitan ang pagbibigay ng business establishments na magbigay ng mga discount.
Sa pinakahuling datos na naitala noong Hunyo 16, nasa 2,529 doses na ng bakuna ang na-deploy sa Alfonso, kung saan 1,860 dito ay first dose habang 447 naman dito ay second dose.
Target ng lokal na pamahalaan ng Alfonso na mabakunahan ang nasa 36,895 ng populasyon nitong edad 18 pataas.
Sa kasalukuyan, nasa 5,973 pa lang ang mga nakapagpa-rehistro sa pagpapabakuna – katumbas ng 16.2% ng target ng lokal na pamahalaan. – Ulat ni Bernard Jaudian / CF-rir