Sasabak na rin sa war on drugs ang Joint Task Force NCR ng Armed Forces of the Philippines.
Ito ang inihayag ng bagong-upong hepe ng JTF-NCR na si Brig Gen. Allan Arrojado, matapos ang isinagawang turnover of command ceremonies ng JTF-NCR sa Camp Aguinaldo.
Ayon kay BGen Arrojado, ang magiging pangunahing papel ng JTF-NCR sa war on drugs ay sa intelligence sharing.
Mahusay aniya ang intelligence gathering capability ng militar, at ang anumang impormasyong makuha ng JTF-NCR ay agad nilang ipapasa sa PNP at sa PDEA, na siyang lead agency sa kampanya kontra droga.
Sa ngayon aniya, ay limitado lang ang kanilang partisipasyon sa pakikipag-coordinate sa PNP at sa PDEA.
Pero kung darating aniya ang panahon na kailanganin sila para magkaroon ng mas malaking papel sa war on drugs, handa aniya ang JTF-NCR na gampanan ito. (Leo Sarne/Radyo Pilipinas)