Nagtala ang Department of Health (DOH) ng 5,310 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa at 7,408 na kasong gumaling nitong Miyerkules (Mayo 26).
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.9% (46,037) ang aktibong kaso, 94.5% (1,127,770) ang gumaling, at 1.69% (20,169) ang namatay mula sa COVID-19.
Aabot na sa kalahating milyon ang kabuuang bilang ng kaso sa National Capital Region (NCR) na may 496,769.
Pumapangalawa naman ang Region IV-A sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 na may 211,128 kaso, habang ang Region III naman ay may 104,509 na kaso. – (DOH) / CF-jlo
