Kahandaan sa bakuna ng Davao City pinuri ng CODE Team – Nograles

Ang Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) Team at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ay nakipagpulong sa mga opisyal ng Davao City noong Martes, Pebrero 16, 2021 upang talakayin ang kahandaan ng lungsod sa Covid-19 vaccine rollout.

Kabilang sa mga pinag-usapan ang Local Situation Report on COVID-19, National Action Plan (NAP) Against COVID-19 Phase III at National Deployment and Vaccination Plan. Ang team ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng National Task Force (NTF) Against COVID-19.

Nagpasalamat si Cabinet Secretary Karlo Nograles, IATF-EID Co-Chair, sa mga lokal na opisyal na pinamumunuan ni Mayor Sara Duterte para sa mabilis nilang pagpapatupad ng mga hakbang upang makontrol ang pagkalat ng virus, na binanggit din ang personal na pakikipag-ugnayan ng alkalde sa mga nasasakupan sa mga kagyat na usapin sa kalusugan.

““Mayor Sara, undoubtedly, has excellent management skills. Kanya itong naipakita sa paghawak ng Covid-19 sa Davao. Ang mga pangunahing suliranin ay maingat na tinutugunan, ang mga solusyon at interbensyon ay mabilis na ipinatutupad. Ang Davao ay nagsisilbing halimbawa ng mga best practices pagdating sa Covid-19 treatment,” pahayag ng opisyal ng Malacañang.

Ang dating kongresista ng Davao ay nagpahayag din ng kumpiyansa na magiging maayos ang vaccine rollout sa naturang lungsod, kung saan madalas na nagdadaos ng simulation exercises at regular na nagsasagawa ng wastong koordinasyon sa DOH upang matiyak ang tagumpay ng vaccination campaign sa mga pre-determined sites.

Tapos ng bisitahin ng CODE Team ang mga pangunahing urban centers, kaya ang mga schedules ng pagbisita ay nakatakda na para sa iba pang mga lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Binigyang diin ni Nograles ang kahalagahan ng malapit na pakikipag-ugnayan sa mga LGUs sa buong bansa “upang matiyak ang isang komprehensibong pagpapatupad ng vaccination campaign ng administrasyong Duterte. Failure isn’t an option. Tinatahak natin ang landas tungo sa ating massive vaccination program ngayong 2021.

Popular

PBBM orders release of P1.3 trillion budget to boost social services, disaster recovery efforts

By Dean Aubrey Caratiquet Consistent with the government’s efforts to uplift Filipinos’ lives even in the face of calamities, President Ferdinand R. Marcos Jr. directed...

PBBM orders preps for incoming storm, probe into other causes of massive floods in Visayas

By Dean Aubrey CaratiquetWith an upcoming storm set to enter the Philippine area of responsibility (PAR) within the next few days, President Ferdinand R....

OP extends P760M cash aid to 38 ‘Tino’-hit areas

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. has ordered the release of P760 million in cash assistance from the Office of the President (OP)...

PBBM urges gov’t offices to refrain from hosting lavish Christmas celebrations

By Dean Aubrey Caratiquet Recognizing the plight of Filipinos who have been affected by successive natural disasters across the archipelago, President Ferdinand R. Marcos Jr....