Kauna-unahang blood bank station ng QC Red Cross sa Novaliches, binuksan

By Rey Ferrer | Radyo Pilipinas

 

Binuksan na ngayong araw (Enero 27) sa publiko ang kauna-unahang blood bank ng Philippine Red Cross – Quezon City Chapter sa Novaliches.

Ang Blood Collection Unit-Blood Station ay nasa Pamilyang Malusog Building sa Barangay Hall Compound sa Greater Fairview.

Kauna-unahang blood bank station ng QC Red Cross sa Novaliches, binuksan ngayong araw, ika-27 ng Enero, 2022. (Photo courtesy of Quezon City Red Cross via RPU)

Naitayo ito sa tulong at inisyatiba ni Quezon City District 5 Councilor Patrick Michael Vargas.

Sinabi ni Councilor Vargas na napapanahon ang pagbukas ng blood bank sa dami ng tao na nangangailangan ng suplay ng dugo.

Nagpahayag na rin ng kahandaan ang Red Cross na tumanggap ng blood donors para sa kabubukas na blood bank.  (Radyo Pilipinas)  -ag

 

Popular

DBM: Qualified gov’t employees to receive mid-year bonus starting May 15

By Brian Campued Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman announced Thursday that qualified government employees—including regular, casual, and contractual employees, as well...

PBBM inks legislation boosting child care from birth

By Dean Aubrey Caratiquet The first few years in the life of a child are considered as the critical period during which utmost care must...

PBBM inks measure amending ‘doble plaka’ law

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. has signed a law amending Republic Act (RA) No. 11235 or the Motorcycle Crime Prevention Act to...

‘Hindi lamang pang-eleksiyon’: 32 Kadiwa outlets to sell P20/kg rice starting May 15 — Palace

By Brian Campued As directed by President Ferdinand R. Marcos Jr., at least 32 Kadiwa outlets across Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, and Oriental...