Kautusan para protektahan ang manggagawa mula sa panganib dulot nang matagal na pagkakaupo, ipinalabas ng DOLE

Mas ligtas at komportableng kondisyon sa paggawa ang aasahan ng mga manggagawang laging nakaupo matapos ipalabas ng labor department ang kautusan na nag-aatas sa mga establisyamento upang maiwasan ang peligrong idudulot sa kalusugan dahil sa matagal na pagkakaupo.

Inaatasan ng Department Order No. 184 ang lahat ng employer at establisyamento na magpatupad ng nararapat na pamamaraan upang tugunan ang mga usaping pangkalusugan at kaligtasan na may kinalaman sa matagal na pag-upo sa trabaho.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na tinitiyak ng nasabing kautusan ang kalusugan at kaligtasan ng manggagawa sa lugar-paggawa na makakatulong sa pagiging produktibo ng mga kompanya at industriya dahil sa maayos na kondisyon sa paggawa.

Nakasaad sa kautusan na dapat magpatupad ang mga establisyamento ng regular na limang-minutong pahinga kada dalawang oras mula sa pagkakaupo at hinihikayat ang mga manggagawa na bawasan ang oras ng pagkakaupo sa pamamagitan ng pagtayo at paglalakad.

Kinakailangan din na tiyakin ng mga employer na ang mga lugar-paggawa ay naayon sa klase ng trabaho, at maaaring tumayo-umupo at kinakailangan na maayos na nakakakilos ang mga manggagawa sa kanilang lugar-paggawa.

Inaatasan din ang mga establisyamento na isaayos ang kanilang mga gawain upang magkaroon ng pabago-bagong paggalaw o pagkilos.

Hinihikayat din ang mga employer na magkaroon ng mga gawaing pangkalusugan para sa karagdagang kaalaman ng mga manggagawa sa epekto sa kanilang kalusugan ng matagal na pagkakaupo. Ang ilan sa mga epekto sa kalusugan ng matagal na pagkakaupo ay ang pagkakaroon ng musculoskeletal disorders, high blood pressure, heart disease, anxiety, diabetes, at obesity.

Ang pangangasiwa ng gawaing pangkalusugan, ani Bello, ay upang magkaroon ng mga pisikal na gawain ang mga manggagawa pagkatapos ng kanilang trabaho, tulad ng calisthenics at dance lessons, upang maiwasan ang panganib sa kalusugan dulot ng matagal na pagkakaupo.

Upang matiyak ang pagpapatupad, inatasan ang DOLE Regional Office na magsagawa ng inspeksiyon at bantayan ang pagsunod ng mga employer at mga establisyamento. Magkakabisa ang patakaran 15 araw matapos itong maipalathala sa pahayagan. (DOLE-PR)

Popular

Corruption issues won’t affect PH chairship of ASEAN 2026 —PBBM

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Tuesday stressed that local political issues of any member state will not overshadow the regional and...

PH to raise South China Sea Code of Conduct as 2026 ASEAN chair —PBBM

By Brian Campued The Philippines is in the process of putting together the different elements where it believes the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)...

ASEAN, China sign free trade upgrade

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Tuesday joined fellow leaders at the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) for the signing of...

PBBM notes maritime cooperation as key for regional peace, stability

By Brian Campued Citing the ceasefire agreement between Hamas and Israel as well as the ongoing tensions in the West Philippine Sea (WPS) and the...