Kawalan ng suplay ng kuryente at signal ng komunikasyon, patuloy pa ring problema ngayon sa Surigao del Sur

By Raymond Samson Aplaya | Radyo Pilipinas Tandag

Hindi pa rin naibabalik hanggang sa ngayon ang suplay ng kuryente sa buong lungsod ng Tandag at halos buong probinsya ng Surigao del Sur matapos ang pagtama ng Bagyong Odette noong Huwebes, Disyembre 16, ng taong kasalukuyan.

Batay sa ulat mula sa Surigao del Sur Electric Cooperative (SURSECO II), nasira umano ang kanilang backbone line o main line at kahapon pa nila sinimulan ang damage assessment at power restoration.

Maliban sa kanilang main line, hindi rin mabilang na mga lateral line ang nasira dahil sa mga nagsitumbahan na mga malalaking kahoy dahil sa malakas na hangin na dala ng bagyo.

Wala pang naibigay na kasunod na ulat ang SURSECO II patungkol sa kung kailan kaya posibleng maibabalik ang suplay ng kuryente dahil hanggang sa ngayon hindi pa rin naibalik ang signal ng komunikasyon sa buong lalawigan kaya’t hindi makapagpadala ng mensahe sa pamamagitan ng sms o internet ang kahit sinuman pati na mga government agencies.

Habang sa lungsod ng Tandag, naibalik naman kahapon ang serbisyo ng tubig mula sa water district.

Ngunit patuloy pa ring hinihintay na makabalik ang suplay ng kuryente at ang signal ng komunikasyon at internet.

Gayunman, pinag-aaralan ngayon ng electric cooperative dito na isailalim muna sa “Island Mode” energization ang buong lungsod sa pamamagitan ng KEGI Power Plant na siya munang pansamantalang mag-susuplay ng kuryente habang inaayos pa ng electric utility ang mga sira ng kanilang pasilidad.

Sa ngayon, nadadaanan naman ang lahat ng mga national highways sa buong lalawigan bagama’t makikita sa gilid ng mga daanan ang mga nakahilerang mga natumbang kahoy.

Wala ring naiulat na mga tulay na nasira nguni’t hinihintay pa rin naman ang opisyal nga ulat mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ng probinsya.

Habang unti-unti namang bumabalik na sa kanilang mga tahanan ang mga nagsilikas nang tumama ang Bagyong Odette.

Patuloy rin naman ang pamimigay ng mga relief goods mula sa mga local government units.

Hinihintay pa rin sa ngayon ang ulat mula sa PDRRMC upang malaman ang pinakahuling damage assessment kaugnay sa pinsala ng bagyong Odette.

Inaalam pa rin kung ano ang magiging desisyon ng mga opisyal ng probinsya para sa posibleng pagdedeklara ng State of Calamity sa buong lalawigan.

Samantala, kagabi ay muli na namang nakaranas ng matinding buhos ng ulan ang ilang bahagi ng probinsya na siyang nagpapahirap din sa pagsisikap ngayong ginawa ng mga kinauukulang ahensya upang maibalik sa normal ang kalagayan dito. (Radyo Pilipinas)-rir

Popular

Palace reacts to China’s ban on ex-Sen. Tolentino, former Pres. spox Roque statement; issues updates on probe of ‘missing sabungeros’

By Dean Aubrey Caratiquet At the Palace press briefing held this Wednesday, July 2, Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary and Palace Press Officer Claire Castro...

Gov’t remains ‘relentless’ in supporting PH Air Force — PBBM

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. reaffirmed his administration’s continued support to the Filipino airmen and airwomen as the Philippine Air Force (PAF)...

PBBM ‘rings’ CMEPA into effectivity

By Dean Aubrey Caratiquet Investments serve as the lifeblood of a successful and progressive nation, paving the way for an economy that adopts to the...

‘Best is yet to come’: PBBM rallies Alex Eala after WTA finals debut

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency On Sunday, June 29, President Ferdinand R. Marcos Jr. offered words of encouragement to tennis sensation Alex...