KWF, pinangunahan ang pagbuo ng IRR ng Filipino Sign Language Act

Pinangunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pagbuo ng implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act (RA) No. 11106, na mas kilalá sa tawag na Filipino Sign Language (FSL) Act.

Ang IRR na ito ay naisakatuparan sa pamumuno ni Dr. Arthur P. Casanova, tagapangulo ng KWF, at sa suporta ng iba’t-ibang stakeholders kabílang si Dr. Liza Martinez, isang advocate ng FSL.

Puspusan ang ginawang pagkilos ni Dr. Benjamin Mendillo Jr., fulltime na komisyoner ng KWF, upang matapos ang IRR para sa kapakanan ng deaf community.

Sa ginawang birtuwal na pagtataas ng watawat ng KWF kamakailan, ipinahayag ni Martinez, pangunahing tagapagsulong ng FSL, na masayáng-masaya siyá sa suporta ng KWF at kinilala niya ang malaking suporta ni Mendillo upang maisapinal ang IRR.

“Sa batas na ito,” ayon kay Dr. Martinez, “ang Pilipinas ay isa sa 40 bansa na kinabibilangan ng 152 bansa ng UN na nagsabatas ng pagkilála sa wikang senyas ng komunidad ng mga bingi.”

“Sa ASEAN naman, pangatlo lámang ang Pilipinas kasunod ng Malaysia at Thailand na may ganitong kakaibang batas, at táyo ang pinakamasigasig ngayon na nagsusulong ng ganitong uri ng pagkilála sa wikang senyas sa buong ASEAN,” dagdag pa niya.

Binanggit din ni Dr. Martinez na kailangan ng malasakit ng Komisyon bílang inatasang kinatawan sa pagpapatupad ng batas. Kailangan din ng pamumunò at pakikilahok ng mga bingi sa lahat ng usapin at gawain na may kinalaman sa kanila at sa FSL.

Kinilala naman ni Mendillo ang kahusayan at pagsisikap ni Martinez sa kaniyang mahalagang pagbabahagi ng mga kaalaman hinggil sa FSL upang mabuo ang IRR.

Binanggit din ni Mendillo na lubos ang suporta ni Casanova sa pagbuo ng IRR. Kinilala rin niya ang Inter-agency Coordinating Council na binubuo ng tatlong ahensiya na nagpulong upang magsagawa at magbigay ng mahahalagang rekomendasyon hinggil sa RA 11106. (KWF)

Popular

PBBM turns over millions worth of agri support to MisOr farmers

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Tuesday turned over various agricultural support projects to farmers in Misamis...

Balingoan Port expansion to boost regional tourism, trade — PBBM

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Tuesday highlighted the importance of upgrading the Balingoan Port in the growth of Northern Mindanao, noting...

PBBM renews call for stronger mechanisms, regulation against fake news

By Dean Aubrey Caratiquet In cognition of rapid advancements in digital technology, President Ferdinand R. Marcos Jr. urged the Department of Information and Communications Technology...

PBBM declares April 22 as nat’l day of mourning for ‘Superstar’ Nora Aunor

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. has declared Tuesday as a “Day of National Mourning” over the passing of National Artist for Film...