Lalawigan ng Cebu, nakatanggap ng P20-M shelter assistance mula sa NHA

By Carmel Matus | Radyo Pilipinas

Kinumpirma ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia na natanggap na ng lalawigan ng Cebu ang nai-download na P20 milyong shelter assistance mula sa National Housing Authority (NHA).

Nagpasalamat ang gobernadora sa ayudang natanggap na makakatulong sa kanilang rebuilding phase sa ngayon.

Ayon kay Garcia, kanilang pag-aaralan ang guidelines sa paggamit ng ayuda, at kung maaaring idadagdag nila ito bilang pondo sa pagbili ng dagdag na shelter assistance na ipapamahagi sa ‘di bababa sa 300,000 pamilyang nasalanta ng Bagyong Odette sa 36 na mga bayan at lungsod.

Ito ay bukod pa sa inalaan na P1.5 bilyon mula sa lokal na pondo ng lalawigan na idadagdag din sa shelter assistance.

Sa ngayon, nakatuon ang lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Cebu sa rehabilitasyon ng mga bahay na nasalanta ng Bagyong Odette. (Radyo Pilipinas) -ag

 

Popular

Gov’t remains ‘relentless’ in supporting PH Air Force — PBBM

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. reaffirmed his administration’s continued support to the Filipino airmen and airwomen as the Philippine Air Force (PAF)...

PBBM ‘rings’ CMEPA into effectivity

By Dean Aubrey Caratiquet Investments serve as the lifeblood of a successful and progressive nation, paving the way for an economy that adopts to the...

‘Best is yet to come’: PBBM rallies Alex Eala after WTA finals debut

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency On Sunday, June 29, President Ferdinand R. Marcos Jr. offered words of encouragement to tennis sensation Alex...

DOH opens online mental health support for Filipinos in Israel

By Joyce Ann L. Rocamora | Philippine News Agency The Department of Health (DOH) is extending psychosocial support to overseas Filipinos in Israel affected by...