LTFRB: 40 provincial PUBs, maaari nang bumiyahe sa 3 rutang bubuksan ng LTFRB sa Mindanao sa Disyembre 27

LTFRB PR

Pahabol na pamaskong handog ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbubukas ng tatlong (3) ruta para sa 40 Provincial Public Utility Bus (PUB) na bibiyahe sa ilang probinsya sa Mindanao simula ika-27 ng Disyembre 2020. Alinsunod ito sa Memorandum Circular (MC) 2020-051-I na ipinasa ng LTFRB kahapon, ika-24 ng Disyembre 2020.

Narito ang ruta ng Provincial PUB na magbubukas sa Disyembre 27, base sa MC 2020-051G:

• Cagayan de Oro City – Tacurong, Sultan Kudarat
• Davao City – Arakan, North Cotabato
• Davao City – Kidapawan City

Maaaring bumiyahe ang mga roadworthy PUVs na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity, at kinakailangang naka-rehistro sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa MC.

Bilang kapalit ng Special Permit (SP), mayroong QR CODE na ibibgay sa bawat operator na dapat ilagay sa short bond paper at ipaskil sa PUV. Mada-download ang QR Code mula sa official website ng LTFRB (https://ltfrb.gov.ph/).

Bukod sa QR Code, kailangan ding sumunod ang mga pick up at drop off terminals ng mga naturang bus sa health at safety protocols bago payagang mag-operate ng local government units.

Muling pinapaalala ng ahensya na walang ipatutupad na taas-pasahe sa mga naturang Provincial PUB, maliban na lang kung ipag-uutos ito ng LTFRB. Bukod diyan, kinakailangan sumunod ng mga PUV sa mga alituntunin ng IATF at local government units kaugnay ng health protocols bago sila makabiyahe.

Dagdag pa riyan, istriktong ipatutupad ang mga sumusunod na “7 Commandments” sa lahat ng pampublikong transportasyon, na ayon sa rekomendasyon ng mga health experts:

1) Laging magsuot ng face mask at face shield;
2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono;
3) Bawal kumain;
4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV;
5) Laging magsagawa ng disinfection;
6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon; at
7) Laging sundan ang panuntunan sa physical distancing (“one-seat apart” rule).

Pinapaalala rin ng LTFRB sa mga Provincial Bus na sundin ang mga patakaran ng ahensya. Ang sinumang mahuli na lalabag sa mga probisyon ng MC ay papatawan ng kaukulang parusa, tulad ng pagmumulta at pagkatanggal ng kanilang ng CPC o PA.

Narito naman ang bilang ng mga ruta na binuksan sa loob at labas ng Metro Manila, at bilang ng mga PUV na bumibiyahe sa mga naturang ruta simula noong ipatupad ang General Community Quarantine noong 01 Hunyo 2020 hanggang sa kasalukuyan:

1. TRADITIONAL PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)

Bilang ng mga rutang binuksan: 406
Bilang ng authorized units: 36,732

2. MODERN PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)

Bilang ng mga rutang binuksan: 49
Bilang ng authorized units: 880

3. PUBLIC UTILITY BUS (PUB)

Bilang ng mga rutang binuksan: 35
Bilang ng authorized units: 4,552

4. POINT-TO-POINT BUS (P2P)

Bilang ng mga rutang binuksan: 35
Bilang ng authorized units: 404

5. UV EXPRESS

Bilang ng mga rutang binuksan: 124
Bilang ng authorized units: 7,184

6. TAXI

Bilang ng authorized units: 21,663

7. TRANSPORT NETWORK VEHICLES SERVICES (TNVS)

Bilang ng authorized units: 25,495

8. PROVINCIAL PUBLIC UTILITY BUS (PUB)

Bilang ng mga rutang binuksan: 50
Bilang ng authorized units: 1,599

9. MODERN UV Express

Bilang ng mga rutang binuksan: 3
Bilang ng authorized units: 55

10. PROVINCIAL P2P BUS

Bilang ng mga rutang binuksan: 7
Bilang ng authorized units: 204

 

Popular

PBBM, First Lady to attend Pope Francis’ funeral

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. and First Lady Liza Araneta-Marcos will be attending the funeral of Pope...

PBBM, Japan PM Ishiba to meet April 29

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. is set to meet Japanese Prime Minister Ishiba Shigeru at Malacañan Palace on April 29, the Presidential...

PBBM turns over millions worth of agri support to MisOr farmers

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Tuesday turned over various agricultural support projects to farmers in Misamis...

Balingoan Port expansion to boost regional tourism, trade — PBBM

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Tuesday highlighted the importance of upgrading the Balingoan Port in the growth of Northern Mindanao, noting...