LTFRB: 440 provincial PUBs, makakabiyahe na sa 5 rutang bubuksan ng LTFRB sa bisperas ng Pasko

LTFRB PR

Magbubukas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng limang ruta para sa 440 Provincial Public Utility Bus (PUB) na bibiyahe sa ilang probinsya simula ika-24 ng Disyembre 2020. Alinsunod ito sa Memorandum Circular (MC) 2020-051G at MC 2020-051H na ipinasa ng LTFRB kahapon, ika-21 ng Disyembre 2020.

Narito ang ruta ng Provincial PUB na magbubukas sa Disyembre 24, base sa MC 2020-051G:

• Baguio City – Mariveles, Bataan
• Baguio City – Olongapo, Zambales

Ang mga sumusunod naman na provincial routes ay bubuksan din sa bisperas ng Pasko, base sa MC 2020-051H:

• North Luzon Expressway (NLEX) – Baguio City
• North Luzon Expressway (NLEX) – Laoag City, Ilocos Norte
• North Luzon Expressway (NLEX) – Pagudpud, Ilocos Norte

Maaaring bumiyahe ang mga roadworthy PUVs na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity, at kinakailangang naka-rehistro sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa MC.

Bilang kapalit ng Special Permit (SP), mayroong QR CODE na ibibgay sa bawat operator na dapat ilagay sa short bond paper at ipaskil sa PUV. Mada-download ang QR Code mula sa official website ng LTFRB (https://ltfrb.gov.ph/).

Bukod sa QR Code, kailangan ding sumunod ang mga pick up at drop off terminals ng mga naturang bus sa health at safety protocols bago payagang mag-operate ng local government units.

Muling pinapaalala ng ahensya na walang ipatutupad na taas-pasahe sa mga naturang Provincial PUB, maliban na lang kung ipag-uutos ito ng LTFRB. Bukod diyan, kinakailangan sumunod ng mga PUV sa mga alituntunin ng IATF at local government units kaugnay ng health protocols bago sila makabiyahe.

Dagdag pa riyan, istriktong ipatutupad ang mga sumusunod na “7 Commandments” sa lahat ng pampublikong transportasyon, na ayon sa rekomendasyon ng mga health experts:

1) Laging magsuot ng face mask at face shield;
2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono;
3) Bawal kumain;
4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV;
5) Laging magsagawa ng disinfection;
6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon; at
7) Laging sundan ang panuntunan sa physical distancing (“one-seat apart” rule).

Pinapaalala rin ng LTFRB sa mga Provincial Bus na sundin ang mga patakaran ng ahensya. Ang sinumang mahuli na lalabag sa mga probisyon ng MC ay papatawan ng kaukulang parusa, tulad ng pagmumulta at pagkatanggal ng kanilang ng CPC o PA.

Narito naman ang bilang ng mga ruta na binuksan sa loob at labas ng Metro Manila, at bilang ng mga PUV na bumibiyahe sa mga naturang ruta simula noong ipatupad ang General Community Quarantine noong 01 Hunyo 2020 hanggang sa kasalukuyan:

1. TRADITIONAL PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)

Bilang ng mga rutang binuksan: 399
Bilang ng authorized units: 35,153

2. MODERN PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)

Bilang ng mga rutang binuksan: 48
Bilang ng authorized units: 865

3. PUBLIC UTILITY BUS (PUB)

Bilang ng mga rutang binuksan: 35
Bilang ng authorized units: 4,552

4. POINT-TO-POINT BUS (P2P)

Bilang ng mga rutang binuksan: 35
Bilang ng authorized units: 404

5. UV EXPRESS

Bilang ng mga rutang binuksan: 124
Bilang ng authorized units: 7,184

6. TAXI

Bilang ng authorized units: 21,663

7. TRANSPORT NETWORK VEHICLES SERVICES (TNVS)

Bilang ng authorized units: 25,495

8. PROVINCIAL PUBLIC UTILITY BUS (PUB)

Bilang ng mga rutang binuksan: 41
Bilang ng authorized units: 1,372

9. MODERN UV Express

Bilang ng mga rutang binuksan: 2
Bilang ng authorized units: 40

10. PROVINCIAL P2P BUS

Bilang ng mga rutang binuksan: 7
Bilang ng authorized units: 204

Popular

PBBM doubles down on grassroots sports dev’t with NAS visit

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand Marcos Jr. on Tuesday doubled down on his administration's push to build Philippine sports from...

PBBM hails pivot to renewables as future of power generation in PH

By Dean Aubrey Caratiquet As part of the gradual transition towards renewable energy, the government continues to support projects that would eventually steer the power...

Impeachment Trial Day 4: Prosecution’s witness Lotoc unveils VP Sara’s grave utterances against First Couple, ex-Speaker Romualdez

By Dean Aubrey Caratiquet and Brian Campued Last week, the Senate Impeachment Court began hearing Article IV of the Articles of Impeachment against Vice President...

PBBM packs Camiguin visit with health, rice, scholar aid push

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday rolled out a package of healthcare, food security, and education...