LTFRB central office, pansamantalang sarado bukas, ika-29 ng Hunyo para sa disinfection

LTFRB PR

Pansamantalang magsasara ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Central Office bukas, Lunes, ika-29 ng Hunyo 2020, upang ipagpatuloy ang masusing disinfection ng mga pasilidad ng ahensya na sinimulan ngayong araw.

Nagsagawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) rapid testing ang ahensya para sa 313 na empleyado, security, at maintenance personnel nitong nakaraang linggo. Sa paunang resulta, napagalamang mayroong isang empleyado ng LTFRB ang positibo sa nasabing virus.

Ito na ang pangalawang beses na nagsawa ng rapid testing ang LTFRB Central Office mula nang ilagay ang National Capital Region (NCR) sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) noong Marso 2020 dahil sa pagtaas ng bilang mga positibong kaso sa rehiyon. Walang lumabas na positibong kaso sa naunang test sa mga empleyado ng Central Office ng ahensya.

Kasabay ng pagsuspinde ng trabaho bukas ng ahensya, ang pagtanggap ng mga dokumento at ilang transaksyon ay magkakaroon ng pagkaantala ng tugon:

– 24/7 Public Assistance Complaints Desk 1342
– Inquiries on legal matters
– New Application for CPC
– Application for Extension of Validity
– Petition for Dropping and Substitution of Units
– Petition for Dropping of Units
– Petition for Installation of Advertising Sign
– Application for Consolidation of Cases
– Petition for Change Venue of Registration
– Petition for Adoption of Trade Name
– Petition for Storage of Unit Plate
– Petition for Upgrading/Downgrading of Units
– Petition for Cancellation of Franchise
– Petition for Withdrawal of Application
– Petition for Adoption of Color Scheme
– Application for Change of Party Applicant
– Request for Garage and Unit Inspection
– Surrender of Plates
– Clearance of Account
– Assessment of Fees
– Re- Assessment of Fees
– Releasing of Assessment of fees
– Issuance of Special Permit
– Clearance and Releasing of Impounded Vehicles

Inaanyayahan ang stakeholders na gumamit ng online transactions para sa mga sumusunod:

1. Request for Special Permit;
2. Correction of Typographical Error;
3. Request for Confirmation of Unit/s;
4. Request for Franchise Verification;
5. Request for Issuance or Extension Provisional Authority;
6. Legal Concerns/Query on Hearing Schedule, Status

Mangyari lamang na sundin ang mga instructions na makikita sa link na ito:

https://www.facebook.com/pg/ltfrb.central.office/posts/?ref=page_internal

Binibigyang-diin ng ahensya na ang LTFRB Central Office lamang ang pansamantalang sarado bukas. Patuloy naman ang pagbibigay ng serbisyo ng LTFRB NCR sa pamamagitan ng Public Transport Online Processing System (PTOPS)

https://ncr-ltfrb.pisopay.com.ph/en

Popular

‘Tanodbayan’: What are the powers of the Ombudsman?

By Brian Campued “Public office is a public trust.” With former Secretary of Justice Jesus Crispin Remulla formally assuming office as the 7th Ombudsman of the...

SAPIEA bullish on PH economy amid flood control probe

By Dean Aubrey Caratiquet Amid concerns regarding the effect of the ongoing investigation into ‘ghost’ and anomalous flood control projects vis-à-vis lapses in other government...

PBBM credits First Lady for restoring PICC back to glory

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. has nothing but praise for his wife, First Lady Liza Marcos, for leading the efforts on the...

Palace: PBBM won’t meddle, interfere with ICI flood control probe

By Dean Aubrey Caratiquet At the Malacañang press briefing on Wednesday, Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary and Palace Press Officer Claire Castro reaffirmed President Ferdinand...