LTFRB, inatasan ang mga bus operator na sahuran ang mga konduktor

Pinaalalahanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga bus operators na bumibiyahe sa EDSA Carousel na dapat ay pasahuran din nila ang mga konduktor sa kabila ng Service Contracting Program ng pamahalaan.

Sa ilalim ng programang ito, bayad ng pamahalaan ang mga driver at operator ayon sa kilometro na kanilang tinatakbo.

Inatasan ng LTFRB ang mga operator na bigyang sahod ang mga konduktor na nanlilimos sa mga pasahero dahil maituturing naman sila bilang kanilang empleyado.

Ayon kay Joel Bolano, OIC executive director ng LTFRB, kinakausap nito ang mga operators na dapat nakapaloob sa kontrata ang ‘employee-employer relationship’ sa pagitan ng mga konduktor, empleyado, at kompanya.

Saad naman ng Mega Manila Consortium Corporation (MMCC), nananatiling ‘no work, no pay’ ang mga konduktor mula nang ilunsad ang community quarantine classifications noong nakaraang taon bunsod ng pandemya.

Sa kabila nito, binigyan ng MMCC ang mga konduktor ng trabaho bilang mga bus controller na siyang kumukuha ng temperatura ng mga pasahero sa bawat istasyon bago sila sumakay ng bus.

Binabayaran din sila ng ₱537 kada araw o minimum wage rate sa National Capital Region (NCR) na kinukuha naman ng operator mula sa 70% na natatanggap sa ilalim ng Service Contracting Program.

Gayunpaman, tiniyak ng LTFRB na sila ay naghahanap ng paraan upang matulungan ng pamahalaan ang mga konduktor na naapektuhan ng pandemya. – Ulat ni Karen Villanda / CF-jlo

Panoorin ang PTV report dito:

Popular

ASEAN, China sign free trade upgrade

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Tuesday joined fellow leaders at the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) for the signing of...

PBBM notes maritime cooperation as key for regional peace, stability

By Brian Campued Citing the ceasefire agreement between Hamas and Israel as well as the ongoing tensions in the West Philippine Sea (WPS) and the...

PBBM champions PH WPS claims in talks with U.S., India at 47th ASEAN Summit

By Dean Aubrey Caratiquet Cognizant of China’s continuing aggression in the West Philippine Sea (WPS), President Ferdinand R. Marcos Jr. raised such developments in these...

PBBM ready to disclose SALN, reaffirms commitment towards transparency

By Dean Aubrey Caratiquet Cognizant with his earlier directive calling for a “lifestyle check” on government officials as part of a renewed call towards transparency...