LTOP sa PUV Modernization Program: Pilipinas, dapat sumunod sa makabagong teknolohiya

Ilang transport group sinimulan na ngayong Lunes ang kanilang 2-araw na tigil-pasada hinggil sa kanilang hinaing pagkontra ng PUV Modernization Program na ipinatupad ng Department of Transportation (DOTr).

Binigyang kasagutan ni Orlando Marquez ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) sa kanyang panayam ngayong umaga sa Bagong Pilipinas.

Binigyang-diin ni Marquez dahil sa paghihirap ng ating mga kababayan sa araw-araw na pagsakay ay nararapat lamang na sumunod na ang Pilipinas sa makabagong teknolohiya upang sa gayon ay maiangat ang ekonomiya ng bansa at kalidad ng transportasyon.

“Yung modernization [plan], ay ano hindi na natin mapipigilan yan kung ‘di kailangan po tanungin natin ang taong bayan, unang-una po ang taong bayan sila po yung nagbabayad at sila yung sumasakay dahil kailangan natin mai-deliver natin yung tamang convenience sa ating mga pasahero dahil alalahanin natin na ang ating mga pasahero, ito po yung mga trabahador na bumubuhay ng ekonomiya ng Pilipinas na pagod na pagod,” ani Marquez.

Nagkakahalaga aniya ng dose pesos ang pasahe sa unang ika-apat na kilometro ng byahe.

“Magkano naman kapag minodernize ang ating Jeep? Ang jeep po ay nasa regulated fare – ang pamasahe pag airconditioned sa unang ika-apat na kilometro, 12 pesos lamang po,” ayon kay Marquez.

Sa oras na maipatupad ang naturang panukala, narito ang ilan sa mga benepisyo na makukuha ng mga Pilipino:

  • Bababa ang gastos sa krudo dahil sa makabagong Euro4 compliance o tinatawag din na computerized electronic fuel injector
  • Mas kakaunti ang polusyon hindi tulad sa normal na pampublikong jeepney
  • Lalaki ang kita ng mga tsuper dahil mababawasan na ang mga taong gagamit ng kanilang pribadong sasakyan sa tulong ng mga e-jeepney

Ilalabas ang mass production prototype sa darating na Oktubre, masisigurado rin aniya na ang mga lalabas na e-jeepney ay dumaan sa Motor/Vehicle inspection ng LTO.

Panoorin ang panayam: 

Popular

PBBM: Launch of new dairy farm to boost local milk production, supply

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday expressed optimism that the inauguration of the Farm Fresh Milk...

PBBM leads distribution of various aid to Aeta communities in Pampanga

By Brian Campued In celebration of the National Indigenous Peoples Month this October, President Ferdinand R. Marcos Jr. led the turnover of various forms of...

PBBM vows sustained recovery efforts in Cebu after deadly quake

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Thursday assured Cebuanos that the government will continue to provide assistance in Cebu as it reels...

PBBM to soldiers: Serve the citizenry, protect the homeland

By Dean Aubrey Caratiquet “Panata ito ng katapatan sa tungkulin at paninindigan para sa bayan.” At the oath-taking ceremony of 29 newly promoted generals and flag...