Mactan Airport, isinara muna sa international flights

Nagkakaroon ng kakulangan sa quarantine hotels para sa mga returning overseas Filipinos (ROFs) at overseas Filipino workers (OFWs), kaya napagdesisyunan ng ilang mga lokal na opisyal na isara muna ang Mactan Cebu International Airport sa mga international flights.

Pansamantalang isinara ng dalawang araw simula Biyernes (May 14) hanggang Sabado (May 15) ang Mactan Cebu International Airport (MCIA) sa mga international flights dahil napuno na ang 2,500 na mga quarantine hotel rooms sa Cebu para sa mga ROFs at OFWs.

Isinasailalim sa swab test ang lahat ng mga pasahero mula abroad pagdating mismo nila sa airport. Samantala, ang mga international flight passengers na taga-Cebu ay dalawang araw lang ang ilalagi sa quarantine hotel rooms bago lumabas ang resulta ng swab test.

Kapag negatibo, makakauwi na sila, pero kung positibo, agad silang ililipat sa isolation facility.

“Dahil ang mga non-Cebuanos kailangang tumira ng sampung araw, kaya kagabi panic na dahil puno na ang 2,500 [rooms]. MCIA had to declare a closure. Hindi muna tayo tatanggap ng incoming flights dahil wala na tayong mapaglalagyan,” paliwanag ni Cebu Governor Gwen Garcia.

Ayon kay Garcia, karamihan sa mga dumating na ROFs at OFWs sa Cebu ay mga transients o may connecting flights, kaya mas mahaba ang ilalagi nila sa mga quarantine hotel.

Sa pagbisita ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing sa Cebu, naiintindihan nito ang paraan ng pagpapatupad ng patakaran ng lalawigan.

“Nagkukulang na pala sila dito ng mga kwarto para sa mga arriving overseas Filipinos, kaya gumawa sila ng ganyang protocol, sa tingin ko naka-align ito, innovative lang ang pagkagawa,” ani Densing.

Ulat ni John Aroa/NGS-jlo

Popular

Palace won’t interfere with HOR Dolomite Beach probe, warns against politicking

By Dean Aubrey Caratiquet Citing an upcoming probe on Manila Bay’s Dolomite Beach to be held by the House of Representatives on November 17, the...

PBBM orders early release of 2025 year-end bonus, cash gift for gov’t workers

By Brian Campued Government workers are set to receive their 2025 year-end bonus that is equivalent to one month's basic salary as well as a...

PBBM ‘hard at work’ to alleviate poverty, uplift PH economy

By Dean Aubrey Caratiquet Malacañang assured the masses that the government is doing everything in its power to uplift Filipinos’ lives, by stemming poverty at...

PBBM hopes for peaceful Bonifacio Day protests

By Dean Aubrey Caratiquet  Acknowledging the citizenry’s outrage over the flood control mess and anticipating mass demonstrations on November 30, President Ferdinand R. Marcos Jr....