Mahigit ₱400-M tulong sa sektor ng agrikultura nakahanda na — DA

By Carmel Loise Matus | Radyo Pilipinas Cebu

Nakahanda na ang nasa ₱445.1-milyong piso na pondo ng Department of Agriculture (DA) na tulong sa sektor ng agrikultura na tinamaan ng bagyong Odette.

Ito ang inanunsiyo ni DA Secretary William Dar sa kanyang pagbisita sa lalawigan ng Cebu kasama ng Pangulong Rodrigo Duterte noong Linggo.

Ayon kay Dar, ang malaking pondo dito ay nakalaan para sa lalawigan ng Cebu na nagkakahalaga ng ₱303-milyong piso.

Ang pondo ay maaaring gamitin para makapananim ulit ng palay at mais ang mga magsasaka, pagbili ng iba pang pangangailangan, at upang magamit din bilang quick response fund.

Bukod sa lalawigan ng Cebu, may nakalaan ding pondo para sa lalawigan ng Bohol na nagkakahalaga ng ₱104.8-milyong piso, lalawigan ng Negros Oriental na nasa ₱30-milyong piso, at ang lalawigan ng Siquijor na nasa ₱10-milyong piso. (Radyo Pilipinas)-rir

Popular

PBBM pushes for MSME empowerment, digital trade at APEC

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. urged Asia-Pacific economies to empower micro, small, and medium enterprises (MSMEs) and...

‘Tumba’: Honoring the dead through the lens of Paoay

By Brian Campued Every All Saints’ Day (Nov. 1) in the small town of Paoay in Ilocos Norte, residents not only visit the graves of...

PBBM to OFWs: Gov’t working to reach you wherever you are in the world

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Thursday assured overseas Filipinos that his administration is working to make...

First Couple graces ‘Thrilla in Manila’ 2

By Brian Campued Underscoring the administration’s commitment to supporting sports development and inspiring the next generation of Filipino athletes, President Ferdinand R. Marcos Jr. and...