Mahigit 119,000 PUV operators nakatanggap ng ayuda mula sa Direct Cash Subsidy Program

LTFRB PR

METRO MANILA — Tinatayang nasa mahigit na 119,000 PUV operators ang nakatanggap na ng ayuda sa ilalim ng Direct Cash Subsidy Program ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ito ay 88% na ng kabuuang bilang ng beneficiaries ng Programa.

Ayon sa LTFRB, bawat operator ay nakatanggap ng Php6,500 na subsidiya, o sa kabuuan ay P774 milyon para sa 119,000 operator simula nang ipinamahagi ito noong ika-16 ng Nobyembre hanggang noong ika-1 ng Disyembre.

“Talagang minadali ng ahensya ang pamimigay ng Direct Cash Subsidy para agaran makatanggap ng tulong ang mga operators nating lubhang apektado ang kabuhayan dulot ng pandemya. Ngayong December, inaasahan na lahat ng beneficiaries, o ang natitirang 12% ay mabibigyan na.,” ani LTFRB Chairman Martin B. Delgra III.

Ang Direct Cash Subsidy ay isang programa sa ilalim ng Bayanihan To Recover As One Act o Bayanihan II na hangad na magbigay-tulong sa mga operators na nahihirapan makabawi ng kanilang kita dahil sa safety protocols na ipinatutupad upang maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa pampublikong transportasyon.

Ang mga operator ay nakatanggap sa kanilang bank accounts (maaaring Pantawid Pasada Program (PPP) cash cards, Landbank of the Philippines (LBP), o non-LBP) ng P6,500 para sa bawat isang Public Utility Vehicle (PUV) unit na nakailalim sa kanilang prangkisa.

Inaasahang higit sa 178,000 PUV operator ang mabibigyan ng pinansyal na tulong mula sa programa. 155,000 na pangalan ng operators na ang kasalukuyang hawak ng ahensya na siguradong mabibigyan. Ang ilan dito ay sumasailalim na lamang sa mas malawakang data collection upang mabigyan ng Direct Cash Subsidy.

Ang mga benepisyaryo ng direct cash subsidy ay mga operator ng mga sumusunod na PUV na may nakatakdang ruta:
– Public Utility Bus (PUB);
– Point-to-Point Bus (P2P);
– Public Utility Jeepney (PUJ);
– Mini-Bus;
– UV Express; at
– FilCab

Ang pamamahagi ng Direct Cash Subsidy sa mga operator ay ginagawa sa ALINMAN sa mga sumusunod na pamamaraan:

1. Nilalagay sa Landbank of the Philippines (LBP) Pantawid Pasada Program (PPP) Cash Cards;
2. Sa mga walang PPP cash cards, inilalagay ito sa existing LBP account ng benepisyaryo;
3. Nilalagay sa existing bank account sa pamamagitan ng PESONet at INSTAPay; o
4. Over-The-Counter withdrawal sa mga LBP servicing branches

Antabayanan na lamang po ang KARAGDAGANG LISTAHAN sa mga susunod na araw.

Popular

PBBM: No ‘political advantage’ behind disclosure of flood control mess in SONA 2025

By Dean Aubrey Caratiquet In the fifth episode of the BBM Podcast aired on Monday, President Ferdinand R. Marcos Jr. shared his insights on the...

PBBM touts education as the key towards national, social progress

By Dean Aubrey Caratiquet “Every project, every policy, every program, every peso must move the needle for Filipino families.” Halfway through his term as the country’s...

On Teachers’ Month, DepEd notes good news for teachers

By Brian Campued As the Philippines joins the global community in honoring the invaluable contributions of teachers in shaping the next generation’s leaders and professionals,...

Phivolcs identifies fault that caused magnitude 6.9 Cebu quake

By Brian Campued State seismologists have located the source of the powerful offshore earthquake that jolted northern Cebu and the rest of Visayas on Sept....