By Kathleen Jean Forbes | Radyo Pilipinas
Mahigit 400 indibidwal ang nabakunahan ng booster dose sa unang araw ng Resbakuna sa Botika.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, kabuuang 422 vaccinees ang naserbisyuhan ng apat na botika na nakibahagi sa pilot run nitong Huwebes (Enero 20).
Nasa 110 vaccinees ang nabakunahan sa Generika Drugstore, 80 sa Mercury Drugstore, 60 sa Watsons Pharmacy, at 172 sa South Star Drug.
Sa kabuuang bilang, 102 ang nakatanggap ng Sinovac habang 320 ang nabakunahan ng AstraZeneca. -ag