Nasa kabuuang 49,953 mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) ang nakatanggap ng libreng sakay mula sa pamunuan ng MRT-3 kahapon, ika-4 ng Agosto 2021.
Kinakailangan lamang ipakita ng pasahero ang vaccination card at ID, katulad ng company ID, na nagpapatunay siya ay kabilang sa APOR na maaaring lumabas sa pampublikong lugar na itinakda ng IATF.
Ang mga APOR na nakapagpabakuna ng first o second dose ay kwalipikado upang makatanggap ng libreng sakay.
Magtatagal ang pagbibigay ng libreng sakay para sa mga APOR hanggang ika-20 ng Agosto 2021.
Ang inisyatibong ito ay direktiba ni DOTr Sec. Art Tugade upang hikayatin ang mga pasahero na magpabakuna at matulungan ang mga ito sa pagbiyahe sa panahon ng pandemya.