Ipinatupad na ang Php 1.774 bilyong-refund sa singil ng kuryente para sa mga residente ng Luzon at Visayas noon pang buwan ng Hulyo. Ito’y bilang pagtalima ng Philippine Electricity Market Corporation (PEMC) sa utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) matapos lumabas sa pag-aaral nito na sumobra sa pagkalkula ang PEMC para sa singil ng kuryente na ipinamahagi sa mga electric company mula Hunyo 2018 hanggang Mayo 2019.
