Masusing imbestigasyon ikinasa ng PNP Bicol hinggil sa nangyaring pagsabog sa isang unibersidad sa rehiyon

Alinsunod sa direktiba ng pamunuan ng PNP Bicol sa pamumuno ni Regional Director PBGen Jonnel Estomo, isang masusing imbestigasyon ang ngayon ay patuloy na ikinakasa patungkol sa nangyaring pagsabog sa loob ng campus ng Bicol University.

Alas sais y medya ng hapon ngayong araw, Oktubre 3, 2021 gumulantang ang dalawang magkasunod na pagsabog sa mga karatig na establisyemento ng nasabing paaralan.

Kaugnay nito, agad na rumisponde ang pinagsamang tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 5 at Criminal Investigation Detection Group upang alamin ang dahilan at pinagmulan ng pagsabog. Sa lugar ng pinangyarihan nasaksihan ng mga responding police officers ang mga shrapnel mula sa ginamit na pasabog.

Inalerto rin ng PNP Bicol ang mga bumubuo ng Explosive Ordnance Disposal Team at Legazpi City Police Station upang matiyak ang seguridad sa lugar.

Sa kasalukuyan, mahigpit na tinututukan ng PNP Bicol ang nangyaring insidente para tukuyin ang nasa likod ng insidente at ang motibo ng pagpapasabog.

Samantala, ang buong hanay ng kapulisan sa Bicol ay nananatiling naka full alert status. Ito ay sa pagnanais tiyakin ang kaligtasan at kaayusan sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Sinisiguro ng PNP Bicol na sa gitna ng usaping ito, ang ahensya ay buo ang loob sa pagtupad ng kanilang tungkulin na bantayan ang pamayanan para mapanatiling tahimik at ligtas ang mga mamamayan sa pamamagitan nang paglulunsad ng police operations at kampanya laban sa banta ng kriminalidad. (PNP)-rir

 

Popular

DSWD completes 2nd wave of relief aid in quake-hit Cebu

By Brian Campued The Department of Social Welfare and Development (DSWD) has completed its second wave of food aid in Cebu as residents continue to...

What is a doublet earthquake?

By Brian Campued On Friday morning, at 9:43 a.m., a magnitude 7.4 earthquake struck Manay, Davao Oriental—about nine hours later, at 7:12 p.m., another temblor...

‘Destructive’ tsunami expected following another DavOr quake

By Brian Campued The Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) on Friday night warned of possible tsunami following another strong earthquake, which jolted the...

Gov’t relief, emergency response underway after Davao quake

By Brian Campued Upon the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr., various government agencies have immediately mobilized to provide assistance to the areas affected...