Mensahe ni Police General Archie Francisco Gamboa para sa Ika-122 Taong Pagdiriwang ng Kalayaan

Mabuhay!

Isang ligtas at mapayapang pagbati para sa ika-isangdaan at dalawampu’t dalawang taon ng kalayaan ng Republika ng Pilipinas ang aking ipinapaabot sa buong pwersa ng pulisya sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Tayo ngayon ay sinusubok ng pangkalusugang krisis dulot ng sakit na coronavirus, at muli ay ipinamalas natin sa ating mga kababayan ang kadakilaan ng mga pulis bilang mga frontliners at tagapangalaga ng seguridad at kapayapaan.

Marami tayong magigiting na mga pulis na hindi nagdalawang isip na sumabak sa giyera ng pagsugpo sa pandemya. ang kanilang mabilis na pagtugon ay atin ding naasahan sa panahon ng kalamidad at sakuna.

Saksi ang sambayanang Pilipino sa giting, sipag at sakripisyo ng kapulisan. ipinamalas natin ang isang pusong makabayan sa pamamagitan nang pagtupad sa ating sinumpaang tungkulin na pagsilbihan, protektahan at pangalagaan ang ating mga mamamayan.

Nararapat NA patuloy nating gampanan ang tungkulin na ito sa paraan na malinis, marangal at maipagmamalaki. iwaksi ang mga ma-anomalyang gawain dahil tayo ang pangunahing kagawaran na nagpapatupad ng batas. tayo ang kaakibat ng pamahalaan sa pagtahak ng isang maunlad at progresibong Pilipinas.

Ang kagitingan at kadakilaan na ating ipinapakita sa araw-araw nating paglilingkod sa taumbayan na nagdadala ng karangalan sa ating ahensya, ay hindi kailanman matutumbasan ng anumang materyal na bagay. Ang pagtitiwala at pagpapasalamat sa kanilang pambansang kapulisan ang ating pinaka malaking tagumpay.

Ngayon, kasama sa mga ginugunita natin, hindi lamang ang mga kilalang bayani, kundi pati ang mga kasamahan nating nagsilbing haligi ng kalayaan. sila ang mga kapwa natin pulis na nagbuwis ng buhay, sa digmaan man o sa gitna ng laban sa panganib na dala ng COVID-19. Sila ang matatawag nating mga makabagong bayani sa bagong panahon.

Bigyan natin sila ng pagkilala, pasasalamat at pagpupugay!

Nananalig ako na sa tulong ng poong maykapal ay sabay-sabay nating malalampasan ang krisis na ating kinakaharap sa ngayon.

sa diwa at ngalan ng pambansang pagkaka-isa, muli nating itaas ang watawat ng Pilipinas, kasabay ang pagsasapuso ng tunay na diwa ng kalayaan.

Maraming salamat!
Mabuhay ang Pilipino!
Mabuhay ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas!

Popular

Torre says he has no ill feelings towards PBBM, DILG chief following relief 

By Brian Campued “Look at me straight in the eye, do I look like somebody who is bitter?” This was the response of former Philippine National...

PBBM to visit Cambodia, attend UN General Assembly

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. will embark on a state visit to Cambodia and later attend the...

PBBM eyes different gov’t post for Torre, Palace confirms

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. is offering former Philippine National Police (PNP) chief PGen. Nicolas Torre III a different position in the...

‘Organic, real people’: Gomez belies claims that PCO pays for reactors, vloggers

By Brian Campued Presidential Communications Office (PCO) acting Secretary Dave Gomez on Tuesday stressed that the PCO does not pay reactors and vloggers to support...