Meralco, magtataas ng singil sa kuryente sa Mayo

TOP POSITION. A Manila Electric Company meter-reader is hoisted by a boom lift truck at a residential area in Kaliraya Street, Tatalon, Quezon City on Friday (May 10, 2024). Electricity bills are surging more than twofolds due to the intense heat that necessities longer use of airconditioning units and electric fans. (PNA photo by Ben Briones)

By Cleizel Pardilla

Matapos ang halos piso na bawas-singil noong nakaraang buwan, inanunsiyo ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Martes (Mayo 14, 2024) ang PHP 0.4621 kada kilowatt hour (kWh) na pagtaas ng singil sa kuryente.

Ayon sa Meralco, aabot na sa PHP 11.4139 kada kWh ang kabuuang rate para sa isang tipikal na residential customer ngayong Mayo.

Katumbas ito ng dagdag na PHP 92 sa kabuuang bill ng pangkaraniwang pamilyang kumokonsumo ng 200 kWh.

Mas mataas na generation charge

Ang PHP 0.4455 kada kWh na pagtaas sa generation charge ang pangunahing sanhi ng pagtaas ng rate ngayong buwan bunsod ng mas mahal na singil mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at mga Power Supply Agreement (PSA).

Tumaas ang  singil mula sa WESM ng PHP 1.7913 kada kWh dahil sa sitwasyon ng suplay sa Luzon. 

Nitong Abril, sumipa ang average demand ng 2,401 megawatts (MW) at nagkaroon din ng tatlong araw na Yellow Alert at limang araw na Yellow/Red Alert.

Bahagyang tumaas din ang mga singil mula sa mga PSA ng PHP 0.2871 kada kWh dahil sa mas kaunting excess energy delivery ng ilang PSA na may diskuwento at singil mula sa emergency PSA na kinailangan para punan ang requirement sa suplay ng Meralco.

Nakaapekto rin ang paghina ng piso kontra dolyar sa 14% ng mga singil mula sa mga PSA na dollar-denominated.

Samantala, nabawasan naman ng PHP 0.6942 kada kWh ang singil mula sa mga Independent Power Producer (IPPs) dahil sa mas mataas na pangkalahatang IPP dispatch at mas mababang presyo ng fuel.

Pinunan ng WESM, mga PSA, at mga IPP ang 30%, 36%, at 34% ng kabuuang energy requirement ng Meralco para sa period na ito.

Transmission at iba pang mga singil

Nagtala naman ng pangkalahatang pagtaas na PHP 0.0166 kada kWh ang transmission charge, mga buwis, at iba pang mga singil.

Ang mga pass-through charge ng generation at transmission ay ibinabayad ng Meralco sa mga power supplier at grid operator habang ang buwis, universal charges, at Feed-In Tariff Allowance o FIT-All ay inire-remit naman sa gobyerno.

Ang distribution charge ng Meralco ay hindi nagbago simula noong bumaba ito ng PHP 0.0360 kada kWh para sa tipikal na residential customer noong Agosto 2022. – io

Popular

Myanmar’s junta chief to head to Bangkok summit as quake toll surpasses 3,000

By Agence France-Presse The head of Myanmar's junta is expected to travel to Bangkok on Thursday for a regional summit, as the death toll from...

PBBM reciprocates VP Sara’s gratitude on helping her mend ties with dad

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency “Glad I could help.” This was the response of President Ferdinand R. Marcos Jr., according to Palace Press...

Purchase of US fighter jets vital to boost PH defense – ES Bersamin

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency Executive Secretary Lucas Bersamin on Thursday, April 3, said the planned procurement of fighter jets from the...

Recto says use of PhilHealth funds to spare PH from new debts

By Benjamin Pulta | Philippine News Agency Finance Secretary Ralph Recto on Wednesday defended the transfer of idle and unused Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth)...