Mga‌ ‌Pilipinong‌ ‌bahagi‌ ‌ng‌ ‌repatriation‌ ‌program,‌ ‌hindi‌ ‌saklaw‌ ‌ng‌ ‌travel‌ ‌ban‌ ‌

Nilinaw ng Malacañang na hindi saklaw ang mga Pilipinong bahagi ng repatriation program sa kasalukuyang travel restrictions sa piling bansa sa Asya.

Sa pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Linggo (Hunyo 20), ang mga Pilipino na bahagi ng repatriation program ng gobyerno ay maaari pa ring makapasok sa bansa ngunit sasailalim sila sa COVID testing at quarantine protocols.

Ang pagtatakda ng travel restrictions ng pamahalaan sa mga pasaherong galing sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman hanggang Hunyo 30 ay bilang pag-iingat ng bansa sa banta ng pagkalat ng iba’t-ibang COVID-19 variant, lalo na  ang mas nakakahawang Delta variant na nadiskubre sa bansang India.

Ayon sa mga eksperto, tinatayang 60% na mas nakakahawa ang Delta variant kaysa sa UK variant. – Ulat ni Mela Lesmoras / CF- jlo

Popular

PBBM pushes for MSME empowerment, digital trade at APEC

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. urged Asia-Pacific economies to empower micro, small, and medium enterprises (MSMEs) and...

‘Tumba’: Honoring the dead through the lens of Paoay

By Brian Campued Every All Saints’ Day (Nov. 1) in the small town of Paoay in Ilocos Norte, residents not only visit the graves of...

PBBM to OFWs: Gov’t working to reach you wherever you are in the world

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Thursday assured overseas Filipinos that his administration is working to make...

First Couple graces ‘Thrilla in Manila’ 2

By Brian Campued Underscoring the administration’s commitment to supporting sports development and inspiring the next generation of Filipino athletes, President Ferdinand R. Marcos Jr. and...