Upang maging ligtas ang iyong sarili at ang komunidad sa sakit na dulot ng COVID-19, narito ang ilang mga paalala at paglilinaw mula sa Department of Health (DOH) kaugnay ng pagbabakuna laban sa COVID-19.
Bago tumungo sa mga vaccination site ng inyong local government unit (LGU), mahalagang malaman ang mga sumusunod:
Step 1: Alamin kung saang pangkat (priority group) ka nabibilang. Pindutin ito para sa karagdagang impormasyon.
Priority Eligible A
- A1: Frontline workers sa mga pampubliko at pribadong pasilidad na pangkalusugan
- A2: Mga senior citizen edad 60 at pataas
- A3: Mga taong edad 18 hanggang 59 na may comorbidities tulad ng chronic respiratory, kidney o liver disease, hypertension, cardiovascular disease, diabetes, at tuberculosis
- A4: Mga manggagawa sa publiko at pribadong sektor na kinakailangang pumasok sa opisina o lumabas ng kanilang tahanan
- A5: Indigent population o maralitang mamamayan
Priority Eligible B
- B1: Mga guro at mga manggagawa sa lipunan (social workers)
- B2: Iba pang empleyado sa gobyerno
- B3: Iba pang mga essential worker
- B4: Mga socio-demographic group na madaling kapitan ng sakit
- B5: Overseas Filipino Workers
- B6: Iba pang mga manggagawang Pilipino
Priority Eligible C
- Lahat ng Pilipinong hindi nabanggit o kabilang sa mga priority list A at B
Step 2: Pre-vaccination screening. Kinakailangang mag-presinta ng medical clearance ang mga indibidwal na may karamdaman katulad ng:
- Autoimmune disease
- HIV
- Cancer o Malignancy
- Transplant Patient
- Steroid Treatment
- Terminal illness, bedridden
Step 3: Magpatala sa inyong mga LGU at sagutan ang registration form. Maaring magsadya sa inyong barangay, Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs), LGUs, Public Information Office, o tumawag sa telepono para sa karagdagang impormasyon.
Para sa mga residente sa loob ng Metro Manila, maaaring magpa-rehistro sa mga online forms ng mga sumusunod:
- City of Manila
- Caloocan City
- Las Piñas City
- Makati City
- Malabon City
- Mandaluyong City
- Muntinlupa City
- Navotas City
- Pasay City
- Pasig City
- Pateros
- Parañaque City
- Quezon City
- San Juan City
- Taguig City
- Valenzuela City
Step 4: Hintayin ang kumpirmasyon at iskedyul ng iyong pagbabakuna. Bawal ang walk-in o ang biglaang pagtungo sa mga vaccination site ng walang kaukulang pahintulot o katibayan ng pagpapa-rehistro.
Step 5: Dalhin ang mga kinakailangang dokumento tulad ng:
- Government ID
- Katibayan ng comorbidity, kung kinakailangan, isa sa mga sumusunod:
- Prescription
- Medical Certificate
- Other hospital records
Kung kailangang ibahin ang iskedyul ng iyong pagpapabakuna, pindutin ito.
Sa araw ng iyong pagbabakuna, siguruhing basahin muna ang vaccine fact sheet, health screening form, at informed consent form bago lagdaan ang mga form na ito.
Matapos mabakunahan ng iyong unang dose, ingatan ang iyong vaccination card at iwasang mawala ito.
Tandaan ang iskedyul ng iyong pangalawang dose at magtanong mula sa vaccination site. Mahalagang makumpleto ang pagpapabukana laban sa COVID-19 upang maging ligtas sa sakit na ito. – CF-rir
Basahin: Rundown: The COVID-19 vaccination process