Mga dating rebelde, IPs sa Surigao del Sur, nagtapos sa pagsasanay ng TESDA, PRLEC RTF-ELCAC

Matagumpay na ginanap nitong Martes, Oktubre 1, ang mass graduation para sa mga dating rebelde at indigenous people (IPs) sa Sitio Ibuan, Bgy. Mampi, Lanuza, Surigao del Sur na sumailalim sa pagsasanay ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Bago pormal na nagsimula ang naturang pagtatapos ay isinagawa muna ang unveiling of PRLEC marker sa Ibuan Enterprise Village kung saan mababasa dito ang mga pangalan ng mga taong nasa likod ng matagumpay na programa – bilang pagkilala sa kanilang malaking ambag. Nangunguna ang pangalan dito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na tumatayong Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS) at Chairperson ng RTF-ELCAC CARAGA kasama ang iba pang matataas na opisyal na kaniyang katuwang sa nasabing programa.

Naging mga panauhin sa naturang aktibidad sina TESDA Director General, Secretary Isidro S. Lapeña, Office of the Cabinet Secretariat Undersecretary Atty. Jo Ann M. Burgos at Governor Alexander ” Ayek” T. Pimentel kung saan sila rin ang nanguna sa pamamahagi ng cash assistance sa mga bagong sumukong rebelde sa pamahalaan.

Ito ang kauna-unahang TESDA Mass Graduation sa ilalim ng binuong Poverty Reduction Livelihood Employment Cluster (PRLEC) ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) bilang bahagi ng paglutas sa local communist armed conflict na isinusulong ng kasalukuyang administrasyon.

Sa isang panayam sa telepono, hindi naitago ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang kanyang kasiyahan sa panibagong hakbang sa rehiyon ng CARAGA bilang pagtalima sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte na wakasan ang sigalot sa lokal na komunismo sa pamamagitan ng mga inisyatibang magpapalago ng kabuhayan sa mga lalawigan.

“Ikinalulugod natin ng lubos ang gawaing ito – kauna-unahan ito sa buong bansa – dahil sa muling pagkakataon ay nanguna na naman ang CARAGA Region. Salamat sa kooperasyon at pakikipagtulungan ng mga ahensya at mga komunidad,” may pagmamalaking pahayag ng kalihim.

Sa talumpati ni Secretary Lapeña sa naturang okasyon, kanyang sinabi na ang libreng pagsasanay ng TESDA ay isang hakbang ng ahensiya upang puksain ang local communist armed conflict sa bansa alinsunod sa ipinalabas na Executive Order #70 ni Pangulong Duterte.

Napakahalaga aniya ang magiging papel ng TESDA sa paglutas sa mga problema sa kahirapan, kapayapaan at kaayusan dahil ang ahensiya ang gateway ng skills training, employment at livelihood sa adhikaing ito ni Pangulong Duterte sa layunin nito na puksain ang rebelyon sa local level.

Ani Lapeña, gaya ng Poverty Reduction Livelihood Employment Cluster (PRLEC) na kanilang isinakatuparan sa Surigao del Sur, ang TESDA ay patuloy na nagpapatupad ng mga intervention sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga skills training sa mga mahihirap, special clients, gaya ng mga rebel returnees, indigenous peoples (IPs), drug surrenderers, mga preso at kanilang pamilya at marami pang iba.

Sinabi naman ni USEC Burgos na nagsilbing kinatawan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, na pangunahing layunin ng EO #70 ay makabuo ng national peace framework at maitatag ang “whole-of-nation approach” upang makamit ang “inclusive and sustainable peace” sa bansa na naglalayong lutasin ang mga ugat ng mga nangyayaring kaguluhan.

Pinakamahalaga aniya sa “whole-of-nation approach” ay ang makuha ng gobyerno ang isip, puso at tiwala ng lahat ng mga mamamayan sa pamamagitan ng paghahatid ng tunay na serbisyo gaya ng trabaho, social development packages, kabilang ang edukasyon, kasanayan, housing at healthcare, magandang pamumuhay para sa lahat lalo na yaong mga mula sa pinakamahirap na mamamayan ng lipunan.

Pinasalamatan naman ni Governor Pimentel ang mga residente ng Sitio Ibuan gayundin ang mga opisyal ng Barangay lalo na sa kanilang Punong Barangay na dating rebelde na nagbalik loob sa pamahalaan dahil sa pakikiisa at pakikipagtulungan ng mga ito sa mga programa ng gobyerno.

Popular

No hike on ferry, bus fares during Holy Week, PBBM assures

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. assured the riding public that ferry and bus fares would remain unchanged ahead of the Holy Week,...

Palace announces completion of long-delayed infra project in Pampanga

By Dean Aubrey Caratiquet In compliance with President Ferdinand R. Marcos Jr.’s directive to accelerate the completion of pending infrastructure projects nationwide, the Department of...

PBBM leads turnover of SPIPs, CamSur Food Complex to Bicol farmers

By Dean Aubrey Caratiquet Reaffirming his commitment to look after the welfare of farmers that bring food to Filipinos’ tables, President Ferdinand R. Marcos Jr....

Palace: Gov’t working on various interventions to cushion impact of rising oil prices on citizenry

By Dean Aubrey Caratiquet Doubling down on President Ferdinand R. Marcos Jr.’s firm instruction for a whole-of-government approach to help Filipinos weave their way through...