Mga kailangang gawin bago tumungo sa vaccination sites

Para maiwasan ang kumpulan ng mga tao sa mga vaccination sites, nagpaalala ang Department of Health (DOH) na may mga patakaran pa ring dapat sundin, katulad ng pagpaparehistro.

Ang mga sumusunod ay mga dapat gawin bago dumiretso sa mga vaccinations sites:

  1.   Magpalista sa vaccination registration ng inyong local government units (LGU) sa pamamagitan ng pagpindot sa link na kanilang ibinabahagi online.

Maaari ring magparehistro sa tradisyunal na pamamaraan, katulad sa mga LGUs na gumagawa ng house-to-house visit.

Para sa mga kabilang sa Priority Group A4, maaaring magparehistro sa LGU o sa kumpanyang pinagtatrabahuan, at ang kumpanya ang siyang makikipag-ugnayan sa LGU.

  1.   Hintayin ang kumpirmasyon na ikaw ay pwede nang bakunahan. Ito’y maaring manggaling sa inyong LGU sa pamamagitan ng text message.

Isinasaad din sa kompirmasyon ang eksaktong araw, oras, at lugar kung saan kayo babakunahan.

  1.   Sabihan ang inyong LGU kung kayo ay sisipot sa nasabing oras.
  2.   Kapag kumpirmado na ang inyong schedule, siguraduhing pumunta nang maaga o sumipot sa nakatakdang oras.

        Iwasang tumuloy sa vaccination site kung wala pang kumpirmadong schedule.

  1.   Sa araw ng pagbabakuna, dalhin ang mga sumusunod:
  •       ID
  •       Consent Form
  •       Ballpen
  •       Registration Form
  •       Vaccination Card
  1. Isuot nang tama ang face mask at face shield. Magdala rin ng alcohol o hand sanitizer, at obserbahin ang isang metrong distansya sa ibang tao. AG-rir

Basahin: Following process: What to do before trooping to vaccination sites

Popular

On Teachers’ Month, DepEd notes good news for teachers

By Brian Campued As the Philippines joins the global community in honoring the invaluable contributions of teachers in shaping the next generation’s leaders and professionals,...

Phivolcs identifies fault that caused magnitude 6.9 Cebu quake

By Brian Campued State seismologists have located the source of the powerful offshore earthquake that jolted northern Cebu and the rest of Visayas on Sept....

PBBM: Launch of new dairy farm to boost local milk production, supply

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday expressed optimism that the inauguration of the Farm Fresh Milk...

PBBM leads distribution of various aid to Aeta communities in Pampanga

By Brian Campued In celebration of the National Indigenous Peoples Month this October, President Ferdinand R. Marcos Jr. led the turnover of various forms of...