Mga mangingisda at fish port workers sa Navotas City, dumagsa sa unang araw ng pagbabakuna ng A4

Daan-daang residente na kabilang sa A4 category ang sinimulan nang mabakunahan sa Navotas City ngayong Lunes, Hunyo 7.

Nagsimula ang pagbabakuna sa ganap na 8:00 n.u. Sa Navotas Fish Port na siya namang dinagsa ng mga walk-in na nasa A4 category na nais magpabakuna na ang karamihan ay mga mangingisda, fish trader, at mga nagta-trabaho sa Navotas Fish Port.

Bilang pagtugon ng lokal na pamahalaan, nagpadala ng karagdagang 50 doses mula sa naunang 250 doses ng COVID-19 vaccine si Navotas City Mayor Toby Tiangco para sa mga walk-in residents ng lungsod.

Aabot sa 400 ang kabuuang bilang ng mga tinurukan ng COVID-19 vaccine ngayong araw.

Ayon kina Navotas Congressman John Rey Tiangco at Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) General Manager Atty. Glen Pangapalan, pinili nilang gawing vaccination site ang Navotas Fish Port upang unang maturukan ang aabot sa 9,000 katao ng pantalan.

Itinuturing na sentro ng kalakalan ng lungsod ang nasabing fish port, kaya’t ang mga naghahanapbuhay rito ay itinuturing namang mga food security frontliners kung saan tinitiyak nila na may sapat na supply ng pagkain o isda sa kalakhang Maynila.

Ayon sa City Health Department, aabot sa 47,000 doses na ng bakuna ang kanilang naiturok sa mga residente ng lungsod. – Ulat ni Cleizl Pardilla / CF- rir

Popular

Malacañang urges caution on calls to expel Chinese envoy

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency Malacañang on Wednesday acknowledged calls for action against Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan over his...

Malacañang: Armed group sheltering Sen. dela Rosa a threat to nat’l security

By Dean Aubrey Caratiquet After several months of manhunt operations, authorities said that they have already identified the whereabouts of Senator Ronald “Bato” dela Rosa,...

Malacañang presses probe into reported Atong Ang escape

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency Malacañang on Wednesday called for an investigation into possible lapses in law enforcement after Interior Secretary Jonvic...

PBBM, Japan reaffirm bilateral ties, regional cooperation

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. and Japanese Prime Minister Sanae Takaichi on Tuesday reaffirmed their commitment to...