Mga NPA, nais ding mapabakunahan ni Pangulong Duterte

By Alvin Baltazar | Radyo Pilipinas

 

Nagpahayag ng pagnanais si Pangulong Rodrigo Duterte na pati ang mga kalaban ng estado na New People’s Army (NPA) ay mabigyan din ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa Talk to the People, inihayag ng Pangulo na kung may sumobrang bakuna ay ibibigay niya ito sa rebeldeng grupo.

Uunahin lang aniya ang mga mamamayang dapat na mabakunahan partikular ang mga nasa bulubundukin at nasa malalayong lugar, at pagkatapos nito ay magbibigay siya ng bakuna sa NPA.

Apela lang ng Punong Ehekutibo sa grupo ng mga rebelde na huwag pigilan at hayaan lang ang mga nais magbakuna na makapunta nang mapayapa sa mga vaccination sites para mabigyan ang mga ito ng kailangang proteksiyon mula sa virus.

Bahagi din ng panawagan ng Pangulo sa NPA na sumuko, kaakibat ang pangakong bibigyan niya ang mga ito ng bahay, trabaho, at kung walang alam na hanapbuhay ay papatulungan sa Technical Education And Skills Development Authority (TESDA).

Mas maigi sabi ng Pangulo na tapusin na ang labanan at wala naman aniyang nangyayari sa giyera ng pamahalaan at ng NPA na kanya namang itinuturing na kaibigan at noon pa man ay nakakausap na partikular noong siya’y alkalde pa lang ng Davao. (Radyo Pilipinas) -rir

 

Popular

DHSUD expedites 2nd ‘Bayanihan Village’ for Cebu quake victims

By Brian Campued Consistent with the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. to provide safer and more comfortable refuge for the residents displaced by...

NFA introduces tonner bagging system for palay

By Brian Campued In line with President Ferdinand R. Marcos Jr.’s directive to modernize the country’s agricultural system, the National Food Authority (NFA) on Friday...

PBBM reaffirms commitment to transparency, vows to keep working hard for Filipinos

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Wednesday assured the public that his administration would continue to “work very hard” on advancing the...

PBBM welcomes new envoys of Belgium, UK

By Dean Aubrey Caratiquet As part of the government’s persistent efforts to expand bilateral relations with key allies, President Ferdinand R. Marcos Jr. warmly welcomed...