Mga prosesong legal ng DARAB muling ipinagpaliban ng DAR

Muling ipinagpaliban ni Kalihim John R. Castriciones ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang pagsasampa ng mga pleadings at pagdinig sa mga kaso sa lahat ng kinatawan ng DAR Adjudication Board (DARAB) sa Luzon at sa iba pang lugar ng bansa kung saan patuloy na umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Castriciones muling magsisimula ang pasulong ng pagsasampa ng mga DARAB pleadings sa darating na ika-4 ng Mayo.

Sa kabilang dako, ang pagdinig sa mga kaso ng DARAB ay muling sisimulan isang buwan makalipas ang orihinal na takdang araw ng pagdinig sa nga ito.

“Muling ipinagpaliban ang prosesong legal sa mga kinatawan ng DARAB sa mga lugar na isinailalim sa ECQ alinsunod sa desisyon ng pamahalaan na palawiging muli ang ECQ sa mga nasabing lugar hanggang sa katapusan ng Abril,” ani Castriciones.

Ipinagdiinan pa ng Kalihim na ang mga kinatawan ng DARAB sa mga lugar na hindi sakop ng ECQ ay magpapatuloy sa kani-kanilang normal na gawain.

Bagamat iniliban ang pagganap sa mga nasabing proseso, inihayag ni Castriciones na araw-araw ay magsasagawa pa rin ang mga adjudicators ng mga desisyon at mga kautusan sa kani-kanilang mga tahanan sa mga lugar na nasa ilalim ng pinalawig na ECQ.

“Ang mga kinatawan ng DARAB ay patuloy pa rin sa pagsusulat ng mga hatol at nga kautusan sa kani-kanilang mga tahanan,” Ani G. Castriciones.

Ayon pa kay Castriciones, ang takdang bilang ng araw sa pagbasa ng hatol (30 araw), paglutas ng mga motions for reconsideration (5 araw) at pagpalabas ng mga kautusan ay muling itinakda at ang pagsulong ng araw sa nga ito ay magsisimula sa darating na ika-4 ng Mayo.

“Ganyan din ang mangyayari sa pagpapadala ng nga dokumento hinggil sa mga apela,” dagdag pa ng Kalihim.

Ang sectorial deadline naman para sa lahat ng nakabinbing mga kaso na isinampa noong 2019 at naitakda na nitong nakalipas na ika-31 ng Marso ay iniurong sa darating na ika-1 ng Hunyo, ani Castriciones.

Ipinagdiinan ng Kalihim na ang “pagpapaliban ng nga prosesong legal ay isinulong nang walang pasubali sa kagustuhan ng Pangulo (Rodrigo Roa Duterte) na pagaanin ang pagpapatupad ng ECQ sa ibang lokalidad. Ang pagsisimula ng pagsulong ay itatakda ng kagawaran kapag pinawalang bisa na ang ECQ.

Popular

PBBM’s satisfaction rating tops other PH gov’t offices in latest survey

By Dean Aubrey Caratiquet In the latest nationwide survey conducted by Tangere on 1,500 respondents from May 8 to 9, the Office of the President...

Palace: Int’l, local watchdogs tapped to ensure ‘clean, honest’ polls

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency The government is working with international and local watchdogs to ensure “clean and honest” midterm elections on...

DBM approves allowance increase of teachers, poll workers

By Brian Campued The Department of Budget and Management (DBM) on Friday announced that it has approved a P2,000 across-the-board increase in the compensation of...

24/7 threat monitoring center launched vs. online disinformation

By Raymond Carl Dela Cruz | Philippine News Agency The inter-agency “Task Force KKK (Katotohanan, Katapatan, Katarungan) sa Halalan” launched on Friday its new threat...