By Christine Fabro
Nasimulan nang mabakunahan kontra COVID-19 ang mga residente sa Marawi City na kabilang sa A1 hanggang A3 priority group ng lungsod.
Umabot sa higit 1,800 residente ng Marawi City sa Mindanao ang nabakunahan laban sa COVID-19, ayon sa pinakahuling tala noong Sabado (Mayo 22).
Noong Marso 8, 2021 unang naabot ng pamahalaan ang Marawi City para sa kampanya nitong COVID-19 vaccination kung saan mahigit 1,181 vials ng Sinovac vaccine ang inilaan ng Department of Health (DOH) 10 Regional Office para sa mga health worker ng pampubliko at pribadong ospital.
Ayon sa nakalap na datos ng DOH noong Mayo 18, tumaas ang mga kaso ng COVID-19 at average daily attack rate nito sa Mindanao, partikular na sa Cagayan de Oro City, Davao City, at Iloilo City.
Nakapagtala naman ng 77% growth rate sa kaso ng COVID-19 at 1.27% mula sa 0.72 average daily attack rate sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).-rir