Mga responsable sa disinformation campaign sa nawawalang mga sabungero, hinahanap ng PNP

By Leo Sarne | Radyo Pilipinas

 

Hinahanap na ng Philippine National Police (PNP) ang mga nasa likod ng disinformation campaign sa isinasagawang imbestigasyon nito sa mga napaulat na nawawalang sabungero.

Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief PGen. Roderick Augustus Alba, matapos na kumalat sa social media ang mga larawan ng mga bangkay na ipinalabas na mga labi ng nawawalang mga sabungero.

Ipinapakita sa mga larawan ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives na sinisiyasat ang mga bangkay na natagpuan umano sa Tanay, Rizal.

Nilinaw ni Alba na ang mga naturang mga larawan ay totoong kinuha sa ambush incident sa Guindulungan, Maguindanao, noong Pebrero 12, 2022, kung saan siyam ang nasawi at tatlo ang sugatan.

Kinondena ni Alba ang pagpapakalat ng naturang maling impormasyon na nakakadagdag sa pasakit ng mga pamilya ng mga nawawalang sabungero at mistulang pagtatangka na iligaw ang imbestigasyon.

Sinabi ni Alba na kasama na rin sa iimbestigahan ang nagpakalat ng maling impormasyon sa kanyang posibleng ugnayan sa mga nawawalang sabungero. (Radyo Pilipinas

-ag

 

Popular

PH, Cambodia to ink 3 key agreements in PBBM’s state visit

By Brian Campued The Philippines and Cambodia are expected to sign three agreements during President Ferdinand R. Marcos Jr.’s state visit to Phnom Penh on...

PBBM to discuss efforts vs. transnational crimes in Cambodia visit

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. will discuss expanding Philippines’ cooperation with Cambodia in addressing transnational crimes as well as collaboration in key...

PBBM finalizing E.O. on flood control probe body —Palace

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. is finalizing the executive order (EO) for the creation of an independent commission, which will be tasked...

DPWH chief orders dismissal of Bulacan engineers amid ‘ghost’ flood control projects

By Brian Campued Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon on Thursday ordered the summary dismissal from service of former Bulacan 1st...