Mga senior citizen na wala pang bakuna vs. COVID-19, hinimok na magpabakuna na

By Kathleen Jean Forbes | Radyo Pilipinas

Nakiusap si Deputy Speaker Benny Abante sa mga senior citizen na magpabakuna na.

Kasunod na rin ito ng pahayag ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na nasa 1.5 milyon na senior citizen pa ang hindi nababakunahan.

Nakababahala aniya ang bilang na ito lalo at kabilang sa vulnerable sector ang mga senior citizen at may banta pa ng Omicron variant.

Hinikayat din nito ang mga kapamilya ng unvaccinated senior citizens na tiyagain na mahimok ang kanilang mga lolo at lola na magpabakuna na.

Tiwala aniya siya na malaki ang naitulong ng kaniyang pagiging vaccinated upang hindi maging malala ang dalawang beses na pagpopositibo niya sa COVID-19.

Kasabay nito ay nagpaalala rin siya sa publiko na patuloy na sundin ang minimum health safety protocols upang maiwasang lalo pang kumalat ang sakit. (Radyo Pilipinas) -ag

Popular

Gov’t vows to stabilize prices as inflation holds steady in October

By Brian Campued The administration of President Ferdinand R. Marcos Jr. continues to pursue long-term reforms not just to stabilize commodity prices but also to...

D.A. expects palay farmgate prices to rise as PBBM extends rice import ban

By Brian Campued The Department of Agriculture (D.A.) expressed hope that the extension of the rice import ban would continue to raise farmgate prices of...

Palace won’t interfere with HOR Dolomite Beach probe, warns against politicking

By Dean Aubrey Caratiquet Citing an upcoming probe on Manila Bay’s Dolomite Beach to be held by the House of Representatives on November 17, the...

PBBM orders early release of 2025 year-end bonus, cash gift for gov’t workers

By Brian Campued Government workers are set to receive their 2025 year-end bonus that is equivalent to one month's basic salary as well as a...