Mga SUC sa Mimaropa, sinanay sa pamamahala ng teknolohiya at commercialization

Pinangasiwaan ng Department of Science and Technology (DOST) – Mimaropa ang training workshop kaugnay sa ‘management of technology/commercialization’ para sa anim na state colleges at universities sa rehiyon, katuwang ang mga eksperto sa Hanyang University ng Seoul, South Korea na siyang nagsilbing tagapagturo. (Photo by Leila B. Dagot, PIA-Palawan)

PUERTO PRINCESA, Palawan, Enero 17 (PIA) — Sumailalim sa tatlong-araw na pagsasanay sa teknolohiya at commercialization ang mga kinatawan mula anim na unibersidad at kolehiyo ng Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan (Mimaropa) kamakailan na isinagawa sa lungsod ng Puerto Princesa.

Ito ay sa bunsod ng pakikipagkasundo ng Department of Science and Technology (DOST) – Mimaropa sa Hanyang University ng Seoul, South Korea.

“Ang bottom line nito, matuto tayo na mag-commercialize ng ating mga outputs, para makatulong sa socio economic development, sa pamamagitan ng mga bagong hanapbuhay, bagong business, na mapapakinabangan din sa mga opisina at iba pang organisasyon”, ani Dr. Ma. Josefina Abilay, regional director ng DOST-Mimaropa sa Philippine Information Agency (PIA).

Anim na mga eksperto mula sa Hanyang University ang nagsilbing mga tagapagturo sa mga partisipante na kinatawan ng Mindoro State College, Marinduque State College , Romblon State University, Occidental Mindoro State University, Palawan State University at Western Philippines University.

“Ibinabahagi nila (resource persons) ang kanilang kaalaman, kung paano nila ginagawa ang kanilang mga teknolohiya at commercialization”, dagdag pa ni Direktor Abilay.

Hangad din ng DOST na mapaangat ng husto ang kaalaman ng mga mananaliksik sa rehiyon upang magamit ng gobyerno at mapakinabangan ng lipunan ang mabubuong resulta ng mga ito.

Samantala, ani Abilay, ikalawang beses nang nangasiwa ang DOST ng parehong pagsasanay, kung saan sa naunang pagkakataon ay naging kabahagi ng kagawaran ang mga lokal na tagapagturo.

Bukod sa training workshop, nakapaloob din sa pakikipag-kasundo ng DOST ang pakikipag-palitan ng mga estudyante, guro at maaari ring bumuo ng kurikulum base sa pamamahala ng teknolohiya. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Popular

Taal Lake site assessment yields sack containing ‘bones’ — DOJ

By Brian Campued The Department of Justice (DOJ) confirmed that authorities retrieved a sack containing burned remains believed to be human bones during the initial...

LTO integrates online driver’s license renewal system in eGovPH app

By Dean Aubrey Caratiquet The Land Transportation Office (LTO) has integrated the online driver’s license renewal in the eGovPH app, which ensures a fast and...

5 of 21 Filipinos in Houthi-hit ship in Red Sea rescued — DFA

By Joyce Ann L. Rocamora and Marita Moaje | Philippine News Agency Five of the 21 Filipino seafarers manning the cargo vessel Eternity C, which...

PBBM directs gov’t officials: Focus on work, avoid politicking

By Dean Aubrey Caratiquet At the Malacañang press briefing this Wednesday, July 9, Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary and Palace Press officer Claire Castro reiterated...