MRT-3, magsasagawa ng tigil operasyon sa ika-30 ng Marso at ika-04 ng Abril

Magkakaroon ng tigil-operasyon ang MRT-3 sa darating na ika-30 ng Marso (Martes) hanggang ika-04 ng Abril 2021 (Linggo), upang magbigay-daan sa scheduled maintenance at rehabilitation activities sa linya.

Kabilang sa mga aktibidad na isasagawa sa temporary shutdown ay ang pagpapalit ng mga railway turnout sa depot, pagpapalit ng mga point machine, at paglalagay ng CCTV units.

Ang mga turnouts ay ginagamit upang makalipat ang isang tren mula sa isang track patungo sa ibang track.

Ginagamit naman point machine upang kontrolin ang operasyon ng mga railway turnouts mula sa MRT-3 Control Center.

Mahalagang bahagi ang mga ito ng isang railway system para maging maayos ang railway signaling at pagpapatakbo ng mga tren.

Katuwang ng pamunuan ng MRT-3 sa malawakang rehabilitasyon sa buong linya ang maintenance provider nito na Sumitomo-MHI-TESP mula sa Japan.

#DOTrPH
#DOTrMRT3
#SulongMRT3

Popular

24/7 threat monitoring center launched vs. online disinformation

By Raymond Carl Dela Cruz | Philippine News Agency The inter-agency “Task Force KKK (Katotohanan, Katapatan, Katarungan) sa Halalan” launched on Friday its new threat...

Solon lauds 5.4% GDP growth in Q1 2025

By Dean Aubrey Caratiquet In a statement on Thursday, May 8, House Speaker Martin Romualdez expressed strong approval of the country’s 5.4% gross domestic product...

Gov’t to improve job quality, address labor market challenges

By Anna Leah Gonzales | Philippine News Agency The administration of President Ferdinand R. Marcos Jr. will implement the Trabaho Para sa Bayan (TPB) Plan...

PBBM’s ‘Libreng Sakay’ benefits 4.3-M passengers

By Brian Campued Nearly 4.3 million passengers reportedly benefited from free train rides offered by Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Lines...