PR/via Cleizl Pardilla – PTV News
Binigyan ng warning ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS ang Manila Water at Maynilad.
Ito’y matapos mapagalaman ng MWSS, na nabigo ang dalawang water concessionaire na hindi sinusunod ng dalawang kumpanya ang mga itinalagang schedule o oras ng water service interruption sa Metro Manila.
Sa ilalim ng concession agreement ng MWSS, Manila Water at Maynilad, dapat magbigay ng tamang abiso ang mga nasabing water conessionaire kung sa tuwing magsasagawa ng water service interruption.
Bagaman wala sa kamay ng maynilad at manila water ang pagbawas sa kanila ng alokasyon ng tubig ng NWRB, pananagutan nila na mag-abiso sa publiko.
Mahigpit na babantayan ng mwss ang schedule ng water interruption ng Maynilad at Manila Water, pagmumultahin ng mwss ang dalawang kumpanya kung patuloy na mabibigo sa pagbibigay ng abiso sa kanilang mga customer.
