By Rey Ferrer | Radyo Pilipinas
Sumirit na sa 16,434 ang bilang ng bagong COVID-19 active cases sa Quezon City.
Ayon sa City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, nasa 18 barangay sa lungsod ang nakapagtala na ng higit 200 active cases hanggang kahapon (Enero 8).
Ilan dito ang barangay Bahay Toro, Bagong Silangan, Batasan Hills, Commonwealth Holy Spirit, Matandang Balara, Culiat ,Pasong Tamo, Sauyo at Tandang Sora.
Samantala, may 995 indibidwal na ang nasa 12 Hope Community Caring Facility sa lungsod dahil sa pagpositibo sa COVID-19.