Nasawing piloto sa Bohol, pinarangalan ni Pangulong Duterte

Binigyan ng pagkilala ni Pangulong Duterte, bilang pagsaludo sa kabayanihan at hindi matatawarang serbisyo, ang piloto ng Philippine Air Force (PAF) na nasawi matapos bumagsak ang kanilang military chopper sa Bohol noong nakaraang linggo.

Naihatid na sa huling hantungan ang labi ni Captain Aurelios Olano sa kanyang probinsya sa Bohol. Iginawad ni Pangulong Duterte kay Olano ang pinakamataas na pagkilala sa Order of Lapulapu, Rank of Kalasag. Pinangunahan ito ng ilang mga matataas na opisyal ng PAF.

Samantala, nakaligtas naman ang tatlong kasamahan ni Olano mula sa bumagsak na helicopter at nagpapagaling na sila.  Nakatakda rin silang parangalan ng PAF habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa dahilan ng pagbasak ng helicopter.

Nilinaw din ni PAF Commander of Air Mobility Command Major General Simeon Felix na hindi nakaabala si Senator Bong Go sa pagresponde ng air force sa mga biktima sa nangyaring chopper crash. 

Aniya, bago pa man nakarating ang mga biktima sa Mactan, nalapatan na ang mga ito ng emergency medical attention sa Bohol, at karagdagang treatment na lamang ang gagawin noong oras na iyon.

Ulat ni John Aroa/NGS-jlo

Popular

On Teachers’ Month, DepEd notes good news for teachers

By Brian Campued As the Philippines joins the global community in honoring the invaluable contributions of teachers in shaping the next generation’s leaders and professionals,...

Phivolcs identifies fault that caused magnitude 6.9 Cebu quake

By Brian Campued State seismologists have located the source of the powerful offshore earthquake that jolted northern Cebu and the rest of Visayas on Sept....

PBBM: Launch of new dairy farm to boost local milk production, supply

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday expressed optimism that the inauguration of the Farm Fresh Milk...

PBBM leads distribution of various aid to Aeta communities in Pampanga

By Brian Campued In celebration of the National Indigenous Peoples Month this October, President Ferdinand R. Marcos Jr. led the turnover of various forms of...